MTJAB: Chapter 29

372K 5.2K 1K
                                    

MTJAB: Chapter 29

Mabilis na binitawan ni Liam ang kamay ni Olive na para bang nahuli ko siya sa akto na gumagawa ng kalokohan. Isang hakbang ang ginawa niya pero isang pag-atras naman ang ginawa ko. Para akong tinutusok ng pagkarami-raming karayom dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Napatakip ako ng bibig ko nang marinig ko ang mahinang paghikbi ko dahil sa pag-iyak.

"Baby, it's not what you think." Narinig kong bulong niya. Ikinuyom ko ang kaliwang kamao ko at ginamit ko ang kanang kamay ko para punasan ang luhang patuloy na tumutulo sa mga mata ko. Binigyan ko siya ng isang ngiti na alam kong punong puno ng hinanakit.

"Grabe, Liam. Hindi mo naman sinabi na isang linggo lang pala ang katumbas para palitan ako kaagad. Gano'n ako kabilis bumigay sa'yo, gano'n kabilis mo rin pala akong papalitan." Ngumingising sabi ko sa kanya. Wala akong pakialam kahit pa titig na titig sa akin ngayon si Olive na para bang awang-awa siya sa itsura ko. Damn it. Bakit ba ako umiiyak ngayon? Bakit ako nababaliw sa isang lalaking alam kong sa simula pa lang, hindi karapat dapat para sa akin?

"A—" Narinig kong magtatangkang magsalita si Olive pero mabilis ko siyang tinitigan at umiling iling ako.

"Liam, sobrang sakit." Halos ibulong ko na lang iyon. Mabilis ko silang tinalikuran at hindi ko na napigilan pa ang pagbagsak ng luha ko.

Isang linggo...

Isang linggo ko siyang hinintay sa apartment naming dalawa. Umaasa akong babalikan niya ako roon at babawiin niya ang lahat ng masasakit na salitang binitawan niya sa akin. Pero ang taong inaasahan ko, alam kong buong isang linggong may kasamang iba.

"Lian!" Kahit nanginginig ang sistema ko dahil sa pagsigaw niya sa pangalan ko, pinilit ko pa rin na maglakad. Pakiramdam ko, babagsak na ang tuhod ko sa sobrang panghihina. Hilam na hilam na ang mga mata ko dahil sa lintik na luha ko na ayaw tumigil sa pagtulo. Pero bigo ako sa pag-iwas sa kanya. Mabilis niyang nahila ang braso ko at pilit niya akong iniharap sa kanya.

"Nagkakamali ka ng iniisip mo." Desperado ang itsura niya. Kita ko sa mga mata niya ang panghihina pero nang makita ko ang pagmamahal sa mga matang 'yon, kusang nagsiliparan ang mga traydor na paru-paro sa tiyan ko.

"I'm sorry..." Nanginginig ang boses niya. "H-hindi ko sinasadya. Litong lito na ako Lian. Patawarin mo ako." Pakiusap niya pero isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Hindi niya sinasadya ang ano? Na ipagpalit ako kay Olive nang gano'ng kadali? Na pinatunayan niyang yung lintik na sex na 'yan lang ang habol niya sa akin?

"No, Liam.. I'm sorry. Hindi ko sinasadyang iwanan ka." Umiiyak na bulong ko. Kitang kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya.

"S-sorry din dahil hindi ko sinasadya pero sobrang pinagsisisihan kong binigay ko sa'yo ang hindi dapat. 'Yon lang ang habol mo 'di ba? Yung virginity lang! Gano'n naman kayong mga lalaki, 'di ba? Pagkatapos makuha, baliwala na!" Mariin na sigaw ko sa kanya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya at marahas niyang naihilamos ang dalawang palad niya sa mukha niya. Nang muli niyang imulat ang mga mata niya, mabilis niyang nahuli ang mga mata kong walang awat sa pag-iyak. Nanginginig ang mga mata niya na para bang sinasabi nito na mahal na mahal niya ako. Gusto kong matawa sa sariling pag-iisip ko. Matalino nga ako pero sobrang tanga ko naman sa lintik na pagmamahal. Kailan pa ako nakabasa ng mata ng isang tao? Isang kabaliwan ang lahat.

"Ara Lian!" Napapitlag ako sa sobrang lakas ng boses niya. Iba na ngayon ang mga mata niya. Punong puno ng galit iyon na may halong pagmamahal.

"Magpapaikot ikot na naman ba tayong dalawa? Hindi na tayo mga bata. Virgin ka man o hindi, ikaw pa rin yung mahal ko. Bullshit! Aminado naman ako. Iba-ibang babae ang kinakama ko nung hindi pa kita nakikilala. Pero kahit kalian, hindi ko naisip na iwanan ka pagkatapos ng nangyari sa atin. Niyaya pa nga kita ng kasal, 'di ba?" Pulang pula ang mukha niya sa sobrang galit sa akin at sunod-sunod na pagtatambol ang ginawa ng puso ko nang makita ko kung paano tumulo ang luha sa mga mata niya.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon