MTJAB: Chapter 9

475K 5.9K 338
                                    


MTJAB: Chapter 9


Hating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Nangangalay na rin ako sa pwesto ko rito sa papag. Nakadapa pa rin ako dahil hindi pa ako makahiga nang diretso. Isinubsob ko ang mukha ko sa unan pero natigilan ako dahil bigla kong naamoy ang familiar na amoy ni Liam. Napasinghot-singhot pa ako. Grabe, ang bango ng unan niya para bang ang sarap yakapin.

Bigla akong natauhan sa naisip ko. Ano bang pinagsasasabi ko?

"Haay..." Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko. Ang malas ko naman. Mukhang hindi pa ako makakapasok bukas.

"Hala!" Nasapo ko ang noo ko nang maalala kong wala pa pala akong project sa Rizal. Bukas na kasi ang deadline no'n. Nakakainis naman. Ano na kayang nangyari do'n sa sinasabi ni Liam na siya ang gagawa ng project ko sa Rizal? Nakakainis. Bakit ba kasi inasa ko sa kanya 'yon eh.

Dahan-dahan akong tumayo para sana umihi. Grabe, ang sakit talaga ng balakang ko. Nakakaiyak yung sakit. Humawak ako sa pader para umalalay, binuksan ko yung pinto ng kwarto at halos mapalundag ako sa gulat nang makita kong nagsusuot siya ng t-shirt. Mukhang kagagaling niya lang sa pagligo.

"Saan ka pupunta?" Kunot noong tanong niya sa akin. Lumunok ako.

"Ha? Ah eh, mag-c-CR." Nauutal na sagot ko. Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa. Dahan-dahan akong naglakad habang nakakaalalay pa rin sa pader.

"Kaya mo ba?" Tanong niya. Tiningnan ko siya at nakita kong pinasadahan niya ng suklay ang buhok niya gamit ang daliri niya. Grabe, para siyang model.

"O-" Pero hindi ko pa man din natatapos ang salitang oo, bigla na niya akong binuhat na parang bagong kasal. Napasinghap ako nang maamoy ko ang katawan niyang bagong paligo.


"I-ibaba mo ako!" Nauutal na hiyaw ko pero hindi niya ako pinansin. Naglakad siya papunta sa CR at inupo niya ako sa toilet bowl.

"Gawin mo na ang gagawin mo. Maghihintay ako sa labas." Seryosong sabi niya sa akin saka siya tumalikod at isinara ang pinto. Ramdam kong namumula ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.

Pagkatapos kong umihi, lumabas na rin kaagad ako. Akmang bubuhatin niya ako pero sumenyas ako sa kamay ko na hindi na kailangan.

"Para kang butiki na nakadikit sa pader kanina." Suway niya sa akin at akmang bubuhatin na naman niya ako.

"Hep! H'wag na!" Sigaw ko sa kanya. Huminga siya nang malalim.


"Alright. Just give me your hand." Sabi niya saka niya inilahad ang kanang kamay niya. Mariin kong tinitigan iyon.

"Come on, babe." Bulong niya. Parang may kung anong nagwawala sa tiyan ko nang marinig kong tinawag niya ako sa ganoong paraan.

Marahan kong ipinatong ang kamay ko sa ibabaw ng palad niya. Mabilis niyang ikinulong ang maliit kong kamay sa malaking kamay niya. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang bigla niyang ipulupot ang kaliwang braso sa baywang ko at lumapat ang palad niya sa tagiliran ko.

Hindi ako mapakali sa pagkakahawak niya sa kamay at baywang ko. Sobrang higpit no'n na para bang ingat na ingat siyang huwag akong matumba.

"K-kaya ko na..." Sabi ko at marahan kong hinila ang kamay ko. Pinanood niya akong dumapa sa kama at napapitlag ako nang kumutan niya ako.

Lumabas siya ng kwarto na hindi sinasara ang pinto. Tatayo sana ako para isara iyon pero bigla siyang pumasok na may hila-hilang monoblock na upuan at bitbit niya yung laptop niya. Ipinuwesto niya 'yon sa gilid ng papag at doon naupo.

"B-bakit nandiyan ka?" Pagtataka ko sa kanya.

"Matulog ka na lang." Suway niya sa akin. Tinitigan ko siyang mabuti—kunot noo siyang nagta-type. Bumaba ang tingin ko roon sa manipis niyang labi at halos mapalunok ako nang maalala kong ilang beses na niya akong nahahalikan. Napansin kong titingin siya sa akin kaya mabilis kong ipinikit ang mga mata ko.

Maya-maya lang, naramdaman ko na lang na hinahaplos niya ang buhok ko. Nakakapanibago siya. Nagui-guilty ba siya dahil sa nangyari sa akin kaya nagbabait baitan ang loko? Medyo nakakailang ha!

Narinig ko ulit na nag-type siya sa laptop niya. Gusto ko nang matulog pero hindi ako makatulog dahil alam kong nandiyan lang siya sa tabi ko. Iminulat ko ang isang mata ko at nakita kong humikab siya. Mukhang antok na antok na siya sa pagta-type ng kung ano man 'yon.

"Matulog ka na..." Bulong ko. Halatang nagulat siya dahil akala niya siguro tulog na ako. Tumingin siya sa akin.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora