MTJAB-Season 2: Chapter 42

340K 5.9K 655
                                    

MTJAB-Season 2: Chapter 42

Pinanlakihan ko ng mata si Liam dahil sa isinigaw niya pero isang malaking ngiti ang ibinigay niya sa akin. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko saka tinitigan niyang mabuti ang dalawang mata ko. Yung mga titig niyang nanghihila ng sistema at yung pagkinang ng mata niya ang nagiging dahilan ng pagkalabog ng puso ko ngayon.

"Baby! You're pregnant. Hindi ako nagkakamali. 2 weeks pregnant ka, promise!" Ngiting ngiting sigaw niya. Napaawang ang bibig ko dahil sa pinagsasasabi niya. Humiwalay siya sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang mag-dribble siya sa hangin at umastang naka-shoot at saka nagsalita gamit ang malaking boses na sa basketball arena ko lang naririnig.

"3 points for number 14, Cando! Woohoo!" Sigaw niya at napapitlag ako nang hapitin niya ako sa baywang ko at siniil ng napakalalim na halik. Halos malunod ako sa ginawang paghalik niya sa akin! Marahan ko siyang itinulak at sa hindi ko malamang dahilan, kinabahan ako.

"Bwisit." Bulong ko pero hindi pa rin naalis ang ngiti sa labi niya. Buntis ako?!

"Walangya ka, manyak!" Hiyaw ko sa kanya pero mas lalo siyang ngumisi.

"Yes I am, baby. Damn... Damn, you are so damn pregnant!" Paulit ulit na sabi niya at muli na naman niya akong hinalikan sa labi pero mabilis ko siyang itinulak at halos humikbi ako sa pag-iyak. Hinampas ko ang dibdib niya pero hinuli niya ang dalawang kamay ko.

"Nakakainis ka! Binuntis mo ako!" Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako sa kanya. Kanina pa ako nabubwisit sa kanya.

"Baby, natural bubuntisin kita para magkaanak tayo." Napakabastos talaga ng bunganga nitong lalaking ito! Itinulak ko siya at saka pumunta ako sa sala at kinuha ang cellphone ko para tawagan si Claire. Nakalimang ring na bago niya ito sagutin.

"Claire!" Umiiyak na sigaw ko. Tumayo sa harapan ko si Liam at humalukipkip saka ako tinitigan sa mata habang ngiting ngiti.

"Gosh, Sisteret. Madaling araw na kung makasigaw ka." Halata sa boses niya na naistorbo ko siya sa pagkakatulog niya.

"Claire... binuntis ako ni Liam." Humihikbing kwento ko sa kanya pero imbis na magulat siya, tinawanan niya lang ako.

"I know, Sisteret." Humahalakhak na sagot niya sa akin na nagpalaki sa mga mata ko.

"Paano mo nalaman?!" Hiyaw ko sa kanya at huminga siya nang malalim.

"Ano ka ba? Katawan mo 'yan, bakit wala kang idea? Ang weird lang na yung paborito mong pagkain, pinandidirihan mo na ngayon. Tapos panay pa ang duwal mo. At saka isa pa, alam kong naninigurado na 'yang gagong 'yan sa'yo. Tama bang hilingin sa Nanay mo na magkaapo na siya. Nakakaloka." Humahalakhak na kwento niya. Tinitigan ko nang masama si Liam pero kinindatan niya lang ako. Naiinis ako dahil may nagwawala pa rin na paru-paro sa tiyan ko dahil sa mga titig niya.

"Hiniling niya kay Nanay?! Kailan?!"

"God, may klase pa ako mamaya, Sisteret. Itanong mo diyan sa lalaking bumuntis sa'yo kung ano yung mga pinalano niya nung mga panahong magkahiwalay kayo. Good night."

"Per—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinatayan na ako ni Claire ng tawag. Nakakainis. Bakit niya ba ako iniiwasan? Galit ba siya sa akin?

"Come on, baby. Tanggapin mo na lang na dinadala mo ang anak natin." Ngumingising sabi ni Liam. Tiningnan ko siya nang masama pero napahalakhak siya nang malakas.

"Damn, ang ganda mo sa tuwing lumalabi ka na parang bata." Ngumingising sabi niya at umupo siya sa tabi ko. Iniharap niya ako sa kanya, kinuha niya ang cellphone ko at ipinatong iyon sa center table. Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko at hinalikan iyon.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon