MTJAB: Chapter 22

478K 6.4K 1.6K
                                    

MTJAB: Chapter 22

Mukhang hindi napansin o narinig ni Liam ang pagdating ni Bianca dahil panay pa rin ang paghalakhak niya. Tumikhim nang malakas si Bianca na akala mo may batong nakabara sa lalamunan niya. Nakatitig siya sa mga mata ko habang nakataas ang isang kilay.

"So, hindi na pala ngayon kotse ang hilig mong paliguan, Marcus. Pati na rin pala isang probinsyana?" Nakangisi at mapait na sabi ni Bianca na nagpainit ng ulo ko. Napalingon si Liam sa kanya at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

Nagsimula ang malalakas na tambol sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ngayong magkakaharap na kaming tatlo.

"Anong ginagawa mo rito?" Halos mapaawang ang bibig ko nang marinig ko ang malamig na tono ng pananalita ni Liam sa kanya. Nalaglag naman ang panga ni Bianca dahil sa gulat. Humakbang ito palapit kay Marcus at akmang hahawakan ang braso niya.

"Don't touch me." Ma-awtoridad na pahayag ni Liam.

"Marcus, ang tagal mong nawala. Iyan ba ang isasalubong mo sa akin?" Pag-aalala ni Bianca. Halos magtayuan ang balahibo ko dahil sa arte ng pananalita niya. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung anong nagustuhan sa kanya ni Liam pero wala akong makuha maski isang matinong sagot.

"I miss you. Hindi mo ba ako na-miss? Naisip ko lang na tama ka, ikaw ang nandiyan. Na-realize ko rin na kahit kalian, hindi ako mamahalin ni Ethan. I'm really sorry, Liam, for what I have done." Halos kumuyom na ang dalawang kamao ko dahil sa pagpatak ng pekeng luha sa mga mata niya. Tiningnan ko si Liam. Nakakunot pa rin ang kanyang noo habang pinagmamasdan si Bianca sa harapan naming dalawa.

Narinig ko ang pag-ngisi ni Liam na para bang may katawa tawa sa sinabi ni Bianca.

"Psh, marami nang nagbago at isa na ako roon. Kung dati, halos magkandarapa na ako sa kahahabol sa'yo, ibahin mo na ngayon. Noon, handa kong suwayin lahat ng gusto ng magulang ko para lang h'wag kang magalit at umiyak. Pero ngayon, masasabi kong I am a better person when I'm with her kaya pwede ka nang umalis." Pagtataboy ni Liam sa kanya. Halos mapalunok ako nang sunod-sunod dahil sa sinabi niya. Si Liam ba talaga siya? Ibang iba kasi dahil ang kilala kong Liam, gagawin ang lahat h'wag lang masaktan ang pinakamamahal niyang si Bianca.

Napakurap kurap si Bianca at halos mamuo ang luha sa dalawang nata niya. Ngumisi siya at umiling iling.

"You're kidding. Mahal mo ako, Liam! Ako ang mahal mo magmula pagkabata pa lang!" Sigaw nito at saka mas humakbang pa palapit kay Liam at hinampas hampas nito ang dibdib niya.

"You love me! Ako lang!" Sigaw nito pero hindi siya sinagot ni Liam. Hindi ko alam kung bakit parang may kumurot sa kaliwang bahagi ng dibdib ko. Hindi ko maisip sa sarili ko na magiging ganyan ako kadesperada para h'wag iwanan ng isang lalaki. Pero wala ako sa katayuan ko para magsalita nang tapos dahil gano'n yata talaga kung mahal mo ang isang tao. Iiyak ka, magagalit ka sa kanya at higit sa lahat, masasaktan ka. Nasasaktan ka kasi alam mong siya lang ang nakakapagpasaya sa'yo nang lubos pero siya rin pala ang mananakit sa'yo.

Hinawakan ni Liam ang magkabilang balikat ni Bianca at itinulak ito palayo sa kanya.

"What are you doing? Hindi ba ito naman ang gusto mo? Ang layuan kita. Go ahead, Bianca! Sumama ka na kay Ethan. Hinding hindi na kita pipigilan." Paninigurado ni Liam. Ramdam ko sa tono ng pananalita niya ang iritasyon.

"No, Marcus. Ethan is a jerk!" Sigaw niya.

"Psh, pareho lang kayo. Get lost, Bianca." Pagdiriin ni Liam at halos magwala ang puso ko nang hilahin ni Liam ang kamay ko para makalayo kay Bianca. Pero hindi pa man din kami nakakalayo ay naramdaman ko ang malakas na paghila ni Bianca sa buhok ko.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon