MTJAB: Chapter 24

509K 6.7K 1K
                                    

MTJAB: Chapter 24


Nanlaki ang mga mata ko at nanigas ako sa kinauupuan ko. Nakalayo na ang labi niya sa akin pero dumadanggi pa rin ang ilong niya sa ilong ko. Ramdam ko pa rin ang mainit at mabibilis niyang paghinga mula sa labi ko. Napalunok ako nang hulihin niya ang mga mata ko at tinitigan niya ako nang sobrang lalim na para bang hinuhukay niya ang buong pagkatao ko.

"Y-you... what?" Nauutal at hindi makapaniwalang tanong niya. Ang kaninang palad niyang nakahawak sa leeg ko ay bumaba patungo sa baywang ko at humapit nang sobrang higpit doon. Napapalunok ako sa sobrang init ng palad niya na tumatagos sa buong kalamnan ko.

"Lian." Untag niya sa akin. Nanginig ang mga mata ko sa lalim ng titig niya at mas lalo niya akong idinikit sa buong katawan niya na nagpatuliro sa akin. Panay ang pagtatambol ng puso ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Bakit sa ganitong paraan niya ako napaamin?

"Don't bite your lips." Nanginig ang tuhod ko sa pagkapaos ng boses niya. Hinawakan niya ang baba ko at mas tinitigan niya akong mabuti sa mata ko.

"I... I don't know, Liam." Nauutal na bulong ko na nagpangisi sa kanya. Damn! Sobrang sexy ng pag-ngisi niya sa akin.

"Hindi iyan ang sinabi mo, baby." Pang-aasar niya sa akin. Umatras ako sa kanya pero umabante naman siya habang nakahapit pa rin ang kamay niya sa baywang ko. Ramdam ko rin ang panginginig ng kamay niya at ang rinig na rinig ko rin ang sobrang pagtatambol ng puso niya na para bang may nagpipiyesta roon.

Nahihilo ako sa mga paru-paro sa tiyan ko, ang haharot nila. Panay ang danggi nila sa gilid ng tiyan ko upang mapaamin ulit ako. Para bang nangingisay na naman sila at panay ang pang-aasar nila sa akin. Masasabi kong hindi ko kakampi ang mga paru-parong ito dahil lahat sila ay kumakampi kay Liam. Mga mahaharot at traydor na paru-paro.

"Damn. I love you, Liam?" Humahalakhak na pang-aasar niya sa akin. Hindi ko malaman kung paano ako iiwas sa mga titig niya dahil kita ko ang saya roon, ang excitement, ang paghanga at higit sa lahat, parang napakaganda ko sa mga mata niya kahit na hindi naman ako maganda.

"Ha?! W-wala akong sinasabing gano'n." Pagpapalusot ko.

"Damn, baby. You're killing me." Sabi niya at napanganga ako nang ipikit niya ang dalawang mata niya. Sobrang gwapo niya pa rin kahit nakapikit siya.

"Habang itinatanggi mo, mas lalo akong nanggigigil sa pagmamahal mo." Bulong niya na nagpalaki sa mga mata ko. Muli niyang iminulat ang mga mata niya.

Napalunok ako sa pwesto naming dalawa dahil nakahilig na ako sa dulo ng mahabang sofa habang siya ay nakatagilid sa akin na parang nasa ibabaw ko at nakayakap sa baywang ko. Kitang kita ko ang pagtaas baba ng adam's apple niya dahil paglunok niya. Maging ang paggalaw ng dibdib niya sa tuwing humihinga siya ay nakaka-distract.

"Hindi kita pipilitin na ulitin iyon, Lian, pero wala nang bawian. Mahal mo ako. Langya, ang sarap sa pakiramdam. Araw araw mag-e-echo sa tainga at utak ko 'yon at magiging parang sirang plaka rin 'yon na tatatak sa puso ko." Nakangising bulong niya at napapikit ako nang dampian niya ng halik ang labi ko.

"Ahhhhh! May nag-momomol! Ahhhh!" Mabilis kong itinulak si Liam palayo sa akin nang makarinig ako ng malakas na sigaw ng isang babae. Namula at nag-init ang mukha ko sa kahihiyan nang makita kong nakatingin sa amin sina Monique at Troy na mukhang kararating lang mula sa eskwelahan.

Umayos ako ng upo. Narinig ko ang pag-ngisi ni Liam na ngayon ay nakatitig pa rin sa akin.

"I love you, you love me..." Gusto kong matawa sa pagkanta niya ng kanta ni Barney! Ang laki laki kasi ng boses niya tapos gano'n ang kakantahin niya? Pero nahihiya ako dahil alam kong inaasar niya lang ako. Sinampal ko siya nang mahina pero tinawanan niya lang ako. Parang wala siyang pakialam kahit nakita kami ng dalawang kapatid niya na nasa gano'ng posisyon kami.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon