MTJAB: Epilogue

387K 7K 1K
                                    

MTJAB: Epilogue

"Congratulations!" Masayang hiyaw ni Monique sa dalawang kapatid niya. Katatapos lang ng graduation nina Liam at Ethan. Maging si Claire ay masayang masaya ngayong graduation nila dahil kasama niya ang mommy niya. Bumaling ako kay Claire para yakapin siya.

"Buntis!" Hiyaw niya nang yakapin ko siya. Nginitian naman ako ng mommy niya nang mapansin ang mahigpit na yakap na ibinigay sa akin ni Claire.

"Congratulations, Claire." Bulong ko sa tainga niya. Humiwalay sa pagkakayakap ko si Claire.

"Thank you, ano ka ba! H'wag ka nang malungkot. Next month naman, ikaw na ang gagraduate at pinapangako ko sa'yong pupunta ako sa araw na iyon." Sabi niya sa akin. Paano kasi, kanina pa ako umiiyak dahil sa saya at lungkot. Masaya dahil sa wakas, naka-graduate na sila at malungkot dahil hindi kami nagkasabay ni Claire.

"H'wag ka nang umiyak okay? Basta bukas, mamamasyal tayo ha? Ipinangako mo na sa akin 'yan!" Pinandilatan niya ako ng mata dahil napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Eh, may pupuntahan daw kami bukas ni Liam?" Nahihiyang bulong ko sa kanya. Bumagsak ang balikat niya at halos mapahiyaw ako nang hampasin niya ang braso ko.

"Nakakainis ka talaga, Sisteret." Hiyaw niya.

Hiniling kasi sa akin kagabi ni Liam na mamasyal kami sa Zambales. Nandoon daw kasi ang dalawang pinsan niya. Inimbitahan daw siya na mamasyal do'n kasama sila Tita Kei.

" sige na, basta next time ako naman." Pagtatampo ni Claire at tinanguan ko siya bilang sagot. Napapitlag ako nang biglang may pumulupot na braso sa baywang ko at hinimas ang namimilog kong tiyan.

"Wala man lang ba akong kiss mula sa misis ko? Naka-graduate na ako." Tumatawang pahayag niya. Natawa naman si Claire sa kanya.

"Hay nako. Heto na ang nag-iisang corny sa pamilya ng mga Cando." Pang-aasar ni Claire.

"Ako nga lang ba ang corny, Claire?" Ngumingising bawi ni Liam na hindi ko manlang naintindihan kung anong ibig niyang sabihin. Awtomatiko namang namula ang mukha ni Claire at napaawang ang bibig.

"Let's go? Naghihintay ang daddy mo sa parking." Biglang anyaya ng mommy ni Claire nang makabalik mula sa CR. Mabilis na humalik sa akin si Claire at nagpaalam. Hinampas naman niya si Liam bilang ganti pero isang malakas na halakhak lang ang ibinigay ni Liam. Nang makaalis na sila Claire, marahan niya akong iniharap sa kanya at napapikit ako nang halikan niya ang noo ko.

"Thank you so much baby..." Bulong niya at naramdaman ko na lang na hinaplos niya ang tiyan ko.

"For what?" Usisa ko sa kanya. Tinitigan niya ako sa mata ko at ipinagpatuloy niya ang paghaplos sa tiyan ko na parang gumagawa siya ng bilog.

"Thank you dahil isa ka sa naging inspirasyon ko para matupad ang lahat ng ito." Aniya.

"Liam, sarili mo 'yan. Ikaw pa rin naman ang magdedesisyon kung ipagpapatuloy mo ang pangarap mo o hindi." Sagot ko sa kanya.

"Tara na?" Yaya nila Tito Kyle sa amin. Tumango kaming dalawa ni Liam at magkahawak kamay kaming naglakad palabas ng hotel kung saan ginanap ang graduation nila.

"Hindi ba't ako nga dapat ang makatanggap ng regalo? Ako ang gumaraduate dito." Narinig kong ngumingising sabi ni Ethan mula sa likod namin. Nilingon ko siya at napansin kong akbay akbay niya si Monique.

"Eh Kuya, wala naman akong trabaho. Hindi kagaya mo, milyonaryo ka na yata eh! Apat na taon ka nang nagtatrabaho sa kumpanya ni Dad." Sagot ni Monique sa kanya. Hinilig ko ang ulo ko sa balikat ni Liam habang naglalakad kami at nakinig na lamang ako sa usapan nina Ethan at Monique.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon