MTJAB-Season 2: Chapter 41

347K 6.1K 765
                                    

MTJAB-Season 2: Chapter 41

Halos magmadali ako sa pagligo dahil alam kong galit na galit na sa akin si Claire. Kinukuskos ko na ngayon ang basang buhok ko.

"Ihahatid na kita!" Suhestiyon ni Liam ngayong nagsusuot siya ng t-shirt niya. Maging siya, nagmadali lang din sa pagligo kanina.

"No! Lalong mag-aalburuto si Claire." Natatarantang sabi ko sa kanya.

"Hindi naman ako magpapakita sa kanya, baby, at saka isa pa, traffic." Paninigurado niya. Sandali ko siyang tinignan at pinagtaasan ko siya ng kilay.

"I hate you." Mariing sabi ko sa kanya. Naiinis ako sa kanya. Napakaharot kasi niya kaya ayan, nagalit tuloy si Claire sa akin!

"I'm sorry, baby." Mapang-asar na sabi niya sa akin at saka lumapit sa akin para suklayin ang maikling buhok ko.

"Kailangan lang makasigurado." Bulong niya. Humarap ako sa kanya at saka ko inagaw ang suklay sa kamay niya at inilagay iyon sa bag ko.

"Ewan ko sa'yo, Liam. Naiinis ako sa'yo." Pagtataray ko sa kanya at lumabas na ako ng kwarto. Namula ang mukha ko nang makita ko si Nanay na pinapakain si Tatay.

"N-Nay aalis na po muna ako." Nauutal na paalam ko. Binigyan ako ni Nanay ng isang mapanuyang ngiti. Lumapit ako sa kanila at hinalikan ko sa pisngi si Tatay.

"Tay, alis lang po ako ha? Babalik din ako, magpapa-teraphy tayo." Nakangiting paalam ko. Ngumiti sa akin si Tatay at napapikit ako nang halikan niya ako sa noo ko.

"Nay, Tay, hatid ko lang ho si Lian." Magalang na paalam ni Liam sa magulang ko. Nauna na akong lumabas sa kanya dahil naiinis pa rin ako sa kanya. Panay naman ang vibrate ng cellphone ko dahil sa sunod-sunod na tawag ni Claire.

"Bilisan mo!" Sigaw ko sa kanya nang makalabas na kami ng parking lot.

"Baby, mag-relax ka nga. Hindi ka naman iiwanan ni Claire kahit ma-late ka sa usapan niyo." Suway niya sa akin at saka niya hinawakan ang kamay ko gamit ang kanang kamay niya.

"Relax, baby. Mamaya, susunduin na lang ulit kita. Alas otso ang therapy ng Tatay. Mga alas siyete imedia kita pupuntahan." Paalala niya sa akin. Hindi ako sumagot sa kanya. Sa halip ay itinuon ko na lang ang paningin ko sa kalsada.

Lumipas ang 20 minutes at sa wakas, nakarating na rin ako sa Filipino restaurant na pagkikitaan namin ni Claire. Bago pa ako bumaba, hinila ako ni Liam palapit sa kanya at napapikit ako nang dampian niya ng halik ang noo ko, tungki ng ilong ko at huling huli ang labi ko. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko at saka siya nagsalita.

"Enjoy, baby. I'll see you later. I love you." Bulong niya at halos mapapikit ako sa init ng buga ng hininga niya. Wala na namang humpay sa pagwawala ang mga malilikot na paru-paro sa tiyan ko.

"H'wag nang mainis, mahal na binibini. Sorry na, alam kong mali ako. I love you." Bulong niya at dinampian niya ulit ng maikling halik ang labi ko.

"Sunduin ka namin mamaya nila Nanay ha?" Paalala niya. Napakalambing ng boses nitong si Liam sa tuwing inaamo niya ako. Tumango na lang ako sa kanya. Bumaba na muna siya at umikot sa harap para pagbuksan ako ng pinto ng kotse niya.

"M-mag-ingat ka pagmamaneho." Paalala ko sa kanya. Ngumiti siya na para bang nakarinig siya ng magandang salita.

"Sarap naman marinig na pinag-iingat ako ng asawa ko." Pambobola niya. Nag-iwas na ako ng tingin sa kanya at saka nanakbo na ako sa restaurant. May mga taong nagtitinginan sa akin nang makapasok ako ng restaurant.

Kaagad kong natanaw si Claire na nakaupo roon sa dulo. Nakahalukipkip na siya ngayon at nakataas ang isang kilay. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Mabilis akong lumapit sa kanya at saka ko hinalikan ang pisngi niya.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon