MTJAB-Season 2: Chapter 31

372K 5K 693
                                    

MTJAB-Season 2: Chapter 31

"Coffee." Inilapag ni Kevin ang isang tasa ng kape sa lamesa at saka umupo siya sa tabi ko. Isang buwan na ang lumipas simula nang lumabas ako sa showbiz at sa loob ng isang buwan na 'yon, hindi ko na makilala ang sarili ko.

"Inumin mo na 'yang kape mo hangga't hindi pa lumalamig." Bulong niya. Alas dos na ng madaling araw pero nandito pa rin kami sa recording studio. Puspusan ang pagre-record namin sa ilalabas na album namin next month. Hindi ko akalain na gano'ng kabilis ako tatanggapin ng mga tao. Maging ang pagiging pagkukunyari kong girlfriend ni Kevin, tanggap na tanggap ng lahat.

Ni hindi ko na rin maipaliwanag kung paano ako nakakangiti sa harap ng marami gayong alam kong hanggang ngayon, wasak na wasak pa rin ako. Muli kong ipinikit ang mga mata ko at mabilis na bumalik sa alaala ko ang nangyari nung araw na huling beses ko siyang nakita.

"Alein!" Sigaw ni Kevin nang mabilis akong bumaba mula sa stage at humalubilo sa mga taong nanonood. Mabilis nagkagulo ang lahat ng tagahanga ni Kevin. May mga nagtutulakan para lang makalapit sa kany, pero hindi ko pinagbigyang pansin iyon. Ipinagpatuloy ko ang pagtakbo para lang makita siya.

"Liam..." Bulong ko habang patuloy ang mga mata ko sa pagpupumilit na makita siya. Parang pinipiga nang paulit-ulit ang puso ko dahil hindi ko siya makita. Hindi ko na namalayang natumba na ako dahil sa mga taong nagsisiksikan at nagtutulakan para malapitan si Kevin mula sa likod ko.

"Alein!" Narinig kong sigaw ni Ms. Jheann pero mabilis na may yumakap sa akin mula sa likod ko. Gustuhin ko mang isipin na siya yon pero ibang yakap ang nararamdaman ko ngayon. Dahil hindi nagwawala ang mga paru-paro sa tiyan ko ngayong yakap yakap ako ng isang ito.

"Fuck, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Galit na sigaw ni Kevin mula sa tainga ko. Sobrang lakas na rin ng sigawan ng lahat. May mga bodyguard ng lumapit para mahawi lahat ng tagahanga ni Kevin na nakaikot ngayon sa amin. Mabilis niya akong iniharap sa kanya at napapikit ako nang punasan niya ang luha sa pisngi ko.

"Wala na s-siya..." Humihikbing bulong ko sa kanya. Para akong bata na nagsusumbong sa kanya. Pero alam kong hindi dahil sa isang sugat na pagkakadapa kundi dahil alam kong kahit anong gawin ko, hindi ko na siya maibabalik pa sa akin. Dahil huli na. Nagdesisyon ako sa bagay na alam kong hindi ko naman gusto pero kailangan kong gawin.

Titig na titig sa mga mata ko si Kevin at napapikit na lang ako nang marahan niya akong hilahin palapit sa kanya at niyakap.

"Shh... Tama na." Bulong niya sa tainga ko.

"Wala na... wala na. Ang tanga tanga ko!" Sigaw ko sa kanya at mas hinigpitan niya ang pagyakap sa akin. Binuhat niya ako na parang isang bata. Pilit kong isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya at doon umiyak nang umiyak.

"Sige lang. Iiyak mo lang lahat ng sakit, Ara." Hindi ko alam kung bakit mas nakaramdam ako ng panghihina nang marinig kong tinawag niya ako sa tunay kong pangalan at hindi sa pangalan na Alein.

Mabilis kong isinarado ang dressing room ko at wala akong pinahintulutan na papasukin kahit sino sa kanila. Kahit naririnig ko na ang pagbabanta sa boses ni Ms. Jheann na buksan ko ang pinto. Sa hindi ko maintindihan na dahilan, mabilis kong tinawagan si Nanay at isang ring pa lang no'n, kaagad na akong nagsalita.

"W-wala na siya, Nay, wala na..." Hindi ko alam kung bakit may paninisi sa tono ng pananalita ko gayong ako naman itong may kasalanan. Ako naman yung nagsimula ng gulong 'to sa buhay ko. Kung sa simula pa lang ay nilayuan ko na siya, e 'di sana hindi ko mararamdaman yung sakit na 'to ngayon.

"Isang buwan na ang lumipas, hindi ka pa rin ba babalik sa dating ikaw?" Tanong ni Kevin sa akin. Marahan kong iminulat ang mga mata ko at mabilis niyang hinuli ng tingin ang mga mata ko mula sa salamin.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon