MTJAB-Season 2: Chapter 39

393K 6.1K 538
                                    

MTJAB-Season 2: Chapter 39

Napapikit ako nang halikan niya sa muling pagkakataon ang labi ko. Nahihibang pa rin ako sa pakiramdam na ibinigay niya sa akin.

"Mahal na mahal kita." Bulong niya sa pagitan ng halik naming dalawa.

"At hinding hindi na kita pakakawalan sa kahit anong pagkakataon." Dagdag niya. Napasinghap ako nang humaplos ang mainit niyang palad sa likod ko. Nasa ibabaw ko pa rin siya ngayon at masasabi kong pareho kaming naghahabol sa paghinga.

"Mahal na mahal din kita." Bulong ko. Umangat siya nang kaunti sa akin at pinagtagpo niya ang mga mata naming dalawa. Kumikinang sa saya ang mga mata niya at para bang nakuha niya ang isang bagay na matagal na niyang inaasam.

"Damn you, Liam." Halos ibulong ko na lang iyon. Nanginginig ang lalamunan ko at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Hindi ko magawang pigilan ang pagmamahal ko para sa'yo kahit na alam kong may mga matatapakan tayong tao." Patuloy ko. Pumatak na rin ang luha mula sa mata niya. Umupo siya at napalunok ako nang hilahin niya ang blanket sa tabi ko at saka niya ikinumot iyon sa aming dalawa. Hinila niya ako sa ilalim ng blanket at niyakap niya ako mula sa likod ko. Napapikit ako nang halikan niya ang batok ko. Damang dama ko ang mainit na paghinga niya habang mas hinihigpitan ang pagyakap sa akin.

"Let's get out of here. Pumunta tayo sa lugar na tayong dalawa lang ang magkakilala." Bulong niya at pinagsalikop niya ang kamay naming dalawa sa may puson ko.

"Posible ba 'yon, Liam? Kilala tayo ng lahat." Bulong ko. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako sa mga tao sa paligid naming dalawa ni Liam. Natatakot ako na baka magkahiwalay na naman kaming dalawa nang dahil sa mga nasa paligid namin.

"Gagawan ko ng paraan baby..." Bulong niya at naramdaman ko ang paghalik niya sa balikat ko.

"I'm sorry." Bulong niya.

"Sorry, baby, but I have to do this." Patuloy niya. Humaplos ang mainit niyang palad mula sa puson ko paakyat sa tiyan ko.

"Let's pray for an angel." Bulong niya. Hindi ko alam kung bakit may gumuhit na ngiti mula sa labi ko. Oo nga at natatakot ako dahil sa ginawa niya. Hindi lang isa o dalawang beses ang ginawa niyang paninigurado. Siguro nga mali pero bakit pakiramdam ko, tama? Bakit pakiramdam ko, sa pagkakataong ito, wala na akong pagsisisihan?

"A baby?" Bulong ko at narinig ko ang pilyong pag-ngisi niya. Dahan-dahan niya akong iniharap sa kanya, itinalukbong niya ang blanket sa aming dalawa at napapikit ako nang marahan niyang angkinin ang labi ko. Isang sandali pero malalim na halik ang ibinigay niya sa akin na maingat ko rin namang tinugon.

Itinungo niya ako sa dibdib niya. Dinig na dinig ko ang malakas na pagkalabog no'n kasabay ng paglipad ng mga paru-paro sa tiyan ko at kasabay din ng pagkalabog ng puso ko. Para bang gumagawa sila ng sarili nilang beat para sa isang kanta. Two hearts that beats as one. Para akong baliw na lumilipad sa kawalan dahil sa nararamdaman ko para kay Liam.

"A baby, angel... whatever is it, it's still a Cando." Ngumingising bulong niya at naramdaman ko na lang na hinalikan niya ang ulo ko. Ibinaba ko ang blanket mula sa ulo naming dalawa para matitigan ko ang gwapo niyang mukha. Gulo gulo ang buhok niya at kahit medyo pawisan siya, napakagwapo pa rin niya.

"Don't mess with a Cando ha?" Tumatawang bulong ko. Hindi ko alam kung bakit ang saya saya ko ngayon. Kung bakit bawat sasabihin ni Liam sa akin, gumaganda sa pandinig ko. Hindi ko na talaga mapigilan yung matinding pagwawala ng puso ko para sa kanya. Maging ang mga paru-paro sa tiyan ko, hindi na nila malaman ang gagawing paglipad dahil hilong hilo na sila sa isang katulad ni Liam. Biglang namula ang tainga niya.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon