MTJAB-Season 2: Chapter 38

393K 6.3K 943
                                    

MTJAB-Season 2: Chapter 38

Nakaupo na kami ngayon sa mahabang sofa ng unit ko. Katabi ko si Ms. Jheann habang sina Kevin at Liam naman nakaupo sa magkabilang single sofa ng sala ko. Nakahalukipkip si Liam na para bang wala siyang pakialam sa nangyari kanina at para bang wala siyang natanggap na pasa kay Kevin matapos siyang sugurin nito ng suntok sa kama ko. Kung hindi pa dumating si Ms. Mae, hindi pa titigil si Kevin sa pagpapaulan ng suntok sa mukha ni Liam.

"What do you think you're doing, Liam? Sinasagad mo ba talaga ang pasensya ko?" Sermon ni Ms. Mae na ngayon ay nakahalukipkip sa harapan naming apat nina Ms. Jheann, Liam at Kevin.

"I'm sorry." Napabaling ako kay Liam nang marinig kong humingi siya ng pasensya. Kahit kalian, hindi ko pa siya naririnig na humingi ng pasensya sa ibang tao. Maliban na lang sa akin, sa magulang ko at magulang niya.

"My God, Liam, maraming media ang nakabantay ngayon sa inyong tatlo. Hindi ka nag-iingat sa ikinikilos mo. Ang sakit-sakit na ng ulo ko sa kaiisip kung paano ko lulusutan yung ginawa mong panggugulo sa anniversary party tapos daragdagan mo pa ng panibago?" Galit na litanya ni Ms. Mae na sa tingin ko ay pinakinggang mabuti ni Liam. Napansin kong napatingin siya sa akin kaya naman nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"At ikaw naman, Alein, may sakit ka pala. Bakit hindi ka tumawag kay Jheann or Chloe?" Sermon sa akin ni Ms. Mae. Bukod kasi kay Ms. Mae, si Ms. Jheann at Chloe lang ang may duplicate ng susi ng unit ko. Magsasalita na sana ako pero inunahan na ako ni Ms. Jheann.

"Ah, Mae, tinawagan ako ni Alein kaya lang nasa press con kasi ako kanina. Hindi ko masagot yung tawag niya." Paliwanag ni Ms. Jheann. Napatingin ako sa kanya pero nginitian niya lang ako. Kitang kita ko ang galit at inis sa mata ni Ms. Mae. Nakakaramdam na ako ng hiya dahil alam kong isang malaking sakit ng ulo talaga ang naibigay ko sa kanya na sa tingin ko ay sobrang hirap talaga lusutan.

"May live interview ka bukas sa radio station. Paano ka ngayon lalabas ng bahay kung ganyan ang pagmumukha mo?" Naiiritang tanong ni Ms. Mae kay Liam. Isang pasa sa may kaliwang labi, sa kanang pisngi at gilid ng sintido ang mayroon sa mukha ni Liam. Hindi siya lumaban sa ginawang panunugod sa kanya ni Kevin kanina.

"Walang problema, pupunta ako." Sagot ni Liam.

"Niloloko mo ba ako Marcus? Anong iisipin ng tao? Na ginantihan ka ni Kevin dahil sa ginawa mo sa kanya?" Napapikit na ako dahil sa sobrang lakas ng boses ni Ms. Mae. Mariin kong ikinuyom ang kamao ko sa sobrang takot.

"Marcus, may gusto ka ba kay Alein?" Diretsang tanong ni Ms. Mae. Natahimik kaming lahat dito sa unit ko.

"May gusto ka ba kay Alein?" Pag-uulit ni Ms. Mae.

"Damn it! Ara Lian is her fucking name at mahal ko siya. Sa tingin mo ba tatanga na lang ako sa isang gilid habang niyayakap yakap siya ng iba?" Napalunok ako nang marinig ko ang ma-awtoridad na boses ni Liam. Napansin ko ang pagbilog ng mata ni Ms. Mae sa narinig.

"I am fucking in love with her and I can't stand seeing her with another man. Gusto ko ako lang. Ako lang!" Dagdag ni Liam. Kitang kita ko ang iritasyon sa mga mata niya habang nakikipagsukatan ng tingin kay Ms. Mae. Napansin ko rin ang paglunok ni Ms. Mae nang hindi sinasadya.

"Kung mahal mo, bakit mo iniwanan?" Singit ni Kevin at bumaling si Liam sa kanya.

"Do I have a choice? Pinagtutulakan niya ako. Diring diri siya sa akin noon. Fuck, sa tingin mo huhupa yung sakit na ibinigay ko sa kanya kung pinilit ko siyang bumalik sa akin kaagad? Tangina, wala kang alam. Wala kang alam and you don't have the right na payuhan ang girlfriend ko na kalimutan ako." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Paano nalaman ni Liam ang usapan namin ni Kevin?

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon