Hater 32: Unexpected visitor

3.7K 109 7
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" napataas ang isa kong kilay ng pagbuksan ko ng pinto ang taong nag doorbell kanina.

Tumingala sya sa akin sa ilalim ng kanyang makakapal na salamin. Ang kanyang magulong buhok na mukhang hindi man lang nasuklay ay nakaipit na patalikod sa isang napaka messy bun.

"Dinalaw ka. Bakit hindi ka man lang kasi-" napatigil sya sa kanyang pagsasalita at napasipat sipat sa likod ko.

Awtomatiko naman akong napalingon. Doon, sumisilip na rin pala si Asher sa direksyon namin. Syempre naman, nakita na sya ni Maureen.

Mula kay Asher na tumatanaw lang din sa malayong likod ko, ibinalik ni Maureen sa akin ang tingin nya. May bahid na ng gulat at pagtataka ang nakapinta sa mga mata nya.

Sya naman ang napataas ang isang kilay. "May kasama kang lalaki dito?" halos pabulong nyang tanong sa akin ng hindi makapaniwala.

Hindi ko rin naman napigilang mapasiring at mapa cross arms. "Hindi yun katulad ng iniisip mo." Sagot ko sa alam kong tanong na tumatakbo na sa isip nya. "Ano ngang ginagawa mo dito?" pag uulit ko nalang ng pauna kong tanong.

Tumango sya ng isang beses habang binabasa parin ang mukha ko. Alam kong marami pang tanong ang tumatakbo sa isip nya at mukhang hindi parin sya kumbinsido sa sinabi ko tungkol kay Asher. Alam kong naguguluhan pa yan kung ano bang ginagawa ng isang lalaki dito sa unit ko.

"Nagdala ako ng mga pagkain." Pag iibang topic na nyang sagot. "Baka gusto mo namang papasukin ako. Hindi naman ako pumunta ng pagkalayo-layo para lang maghatid ng pagkain mo." Hindi ko alam kung mabuti ba ang pinunta nya dito o masama. Komplikado rin ang ugali ng isang to pati na ang tono ng kanyang pananalita.

Nag step aside ako mula sa pinto. "Sige na, pumasok ka na." sagot ko sa kanya.

Dala dala ang mga dalawang recyclable green bags na nabibili sa mall, pumasok sya sa unit ko. Medyo nakayuko na sya habang dala yun. Matanda na eh. Mukhang 40s lang ang itsura pero parang nasa 60s na ata sya. Hindi rin ako sigurado sa kanyang edad.

Isinara ko ang pinto saka sinundan ng tingin si Maureen sa pagpasok nya ng aking sala. Doon, nakatayo at nag aabang din naman si Asher. Agad nyang kinuha ang mga dala ni Maureen para alalayan ito.

"Ako na po." Pananalita ni Asher kay Maureen.

Ibinigay naman ni Maureen ang mga dala nya. Nakikita ng mga mata ko ang mga mapanuring tingin nya kay Asher na para bang sinesentensyahan nya ito at kinikilatis sa isip nya. Napasiring nalang ako sa aking sarili. Ano naman kayang iniisip ng matandang to? Paniguradong kaweirduhan at kabaliwan na naman.

Dinala ni Asher ang mga recyclable bag ni Maureen sa kusina.

"Maureen, si Asher, kaklase ko." pagpapakilala ko kay Asher. "Asher, si Maureen..." napatingin pa ako kay Maureen kung ano bang label ang ibibigay ko sa kanya. Ang nag ampon sa akin? Ang weirdong psychologist slash chemist na sinasabi ko sayo at puno ng intriga mong tinatanong o, ang aking the great archenemy. "...isang kakilala." Pagpapatuloy ko. Kung sasabihin ko pa ang mga kahit na ano dun, magpapaliwanag pa ako kay Asher, sa harap ni Maureen. Napaka awkward nun kaya wag nalang.

Napangisi naman si Maureen sa sinabi kong yon. "Nagdala ako ng mga pagkain para sayo Jessica." Pananalita nya. Dahil nandito si Asher, nasa cease fire kami ngayon para magtalo sa mga walang kwentang mga bagay. "Alam ko naman kasi kung ano ang mangyayari sayo matapos mong maturukan ng gamot na binigay ko."

Napangisi din ako at napataas ang isang kilay. "Ikaw ang nagluto?" hindi ko makapaniwalang tanong kasama ang ekspresyon na halatang hindi naniniwala sa sarili kong tanong.

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon