Pangsiyamnapung Patak

8 0 0
                                    

SAKIT SA BAWAT PAGPIKIT

Sumapit na naman ang gabi
Impit ang paghikbi
Hindi maalis ang hapdi
Inaalala ang iyong mga sinabi

Nakitang may katabi
Masaya ka sa kaniyang piling
Tila ba'y nawaglit na sa isip
Na ako ay naghihintay pa rin

Nasa isang gilid lang nagmamasid
Kailan ka kaya aalis sa kaniyang tabi
Tatalikod at magbabalik sa akin
Gugunitain at muling ngingiti

Sasabihing ako pa rin
Ang iyong pinipili
Ang palaging hahanapin
Umaasang ako pa rin ang iyong iibigin

Pero ito'y isa lamang panaginip
At nagawa ko muling umidlip
Dahil sa aking paghikbi
Napapagod ang pusong pinupunit.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now