Pang tatlungpu't dalawang Patak

11 2 0
                                    

MAKINIG KA
Dedicated to Saddygirlll

Kailan mo kaya magagawang lumisan
Sa lugar na kung saan huli kayong magkasama,
Kahit alam mong wala ka ng mababalikan
Sapagkat mag-isa ka nalang at ikaw ay kaniya ng nilisan?

Alam kong may mga bulong kang naririnig,
Bulong na una palang ikaw sana'y nakinig,
Bulong na hanggang ngayon ay hindi tumitigil,
Kailan mo kaya iyon diringgin?

Hinto na!
Tumigil ka na!
Sarili mo muna!
Mahalin mo ito at gawing una.

Wasak na wasak ka na!
Nagkapira-piraso na ang iyong puso dahil sa kaniya.
Pulutin mo ito at huwag hayaan na
Mawala hanggang sa wala ka ng mapulot pa.

Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?
Hindi niya makita ang halaga mo
Pero bakit ikaw ay patuloy paring nasa harap ng taong nakatikod,
Na kahit tapikin mo'y hindi makikita ang iyong munting anino?

Tama na!
Tigil na!
Sarili mo muna!
Maaari ba?

—Writer_Lhey✍️

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon