Walang-Imik
Ako ay nalulungkot
Kaya naisip ko na baka sa'yo pwede akong magkwento
Ngunit ikaw ay hindi kumibo.Hindi mo ako pinansin, ni tuldok ay wala akong natanggap.
Isang tingin lang ba ang kaya mong igawad?
Bihira akong magkwento sa aking mararamdaman
Kaya nadismaya ako sa iyong pagsasawalang bahala.Siguro nga ay nagiging madrama na naman ako.
Nagmumukmok na naman at umiiyak dahil nagtatampo.
Hindi ko maiwasan kasi malungkot talaga ako
Kaya nang hindi mo pinansin ay nadurog ang puso ko.Ayaw ko na magkwento,
Nakakapagod magbahagi at hindi mapansin mo
Ako siguro ay naging distorbo
Kaya sige, wala ng susunod.
YOU ARE READING
Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)
PoetryIto ay antolohiya ng mga tula na tungkol sa pagmamahal, pagkasawi, pagpapaubaya, pagpapalaya at paghilom. Ang bawat pagpatak ng luha ay may katumbas na isang tula. Nawa'y magustuhan at maantig ang puso niyo sa mga tulang ito. Magawa sanang mayakap a...