Pang Animnapu't Apat Na Patak

7 0 0
                                    

Bagong Taon

Bagong taon na naman.
Ang bilis ng panahon na akala mo'y parang kahapon lang
Sobrang dami nang nangyari at hindi mo alam kung ano ang mararamdaman.
Malulungkot ba sa katapusan o magagalak sa bagong simula?

Ang bagong taon ang palagi nating inaabangang magkasama.
Naalala mo pa ba yung amoy ng aking buhok tuwing tayo'y magkayakap.
Nakakulong ako sa'yong bisig at nakatitig tayo sa kalawakan
Pinagmamasdan ang makukulay na mga paputok na pinapasabog sa kalangitan.

Napakagandang alaala na sa larawan ko nalang mababalikan
Sapagkat sa bagong taon ngayon ay may iba ka nang kasama.
Sinalubong nating magkasama noong nakaraan,
Ngayon mag-isa nalang ako't ikaw ay isa nalang alaala.

Siguro nga bagong taon, bagong tauhan
Bagong kabanata, bagong pahina
Tinta ang bawat pagluha
Sa huling araw nang taon na mag-isa.

Nalulumbay ako at hindi alam kung dapat bang magalak
Gayong maninibago ako panigurado
Dahil hindi na magiging katulad ng nakasanayan
Ang bagong taong sasalubungin ko.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang