Pang-siyam na Patak

35 9 2
                                    

DAGAT
Dedicated to itsdineyeah

Lumuluha ngayon ang aking mga mata
Habang nakatingin sa dulo ng karagatan.
Nakaupo dito sa buhanginan
Habang yakap-yakap ang sarili at nag-iisa—

Dito sa tabing dagat kung saan nagsimula ang lahat.
Naaalala ko pa ang araw na tayo ay unang nagkita.
Napakaganda ng ngiti mo na sa akin ay nagpakaba
Pero ngayon ay hindi ko na masisilayan pa.

Hindi na kasi ako ang magiging dahilan ng iyong halakhak.
Kailan kaya nagsimulang magbago ang nararamdaman?
Hindi ko kasi maisip kung ano ang posibleng dahilan
Dahil wala naman talagang dapat na magbago sa ating dalawa.

Tinanong kita noon kung hanggang saan ang iyong pag-ibig?
Ang sagot mo ay hanggang sa ang dulo ng dagat ay aking masisid.
Nagawa mo akong mapangiti dahil sa iyong sinabi
Ngunit bakit biglang nawala ang iyong pagkasabik?

Yakap-yakap kita noon habang lumulubog ang haring araw
Hawak mo ang kamay ko na para bang takot kang ako ay bumitaw.
Nakakalungkot nga lang kasi ang takot mo hindi nangibabaw,
Ikaw kasi ang sa atin unang bumitaw.

—Writer_Lhey✍️

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon