Pang Limampu't Anim Na Patak

8 2 0
                                    

KATABI

Hindi lahat may pakialam
At iyan ang katotohanan
Kapag malungkot ka
At kailangan ng tulong sa iba

May nandiyan pero hindi makikinig
May makikinig pero hindi makakaintindi
May makakaintindi pero sa iba ito naman ay ipagsasabi

Madaya kasi hindi mo alam kung sino ang dapat na iyong takbuhan
Hindi mo alam kung dapat bang sarilihin na lamang ang lahat
Hanggang sa wala ka nang magawa kundi ang umiyak na lang dahil mabigat na sa pakiramdam

Masakit kasi hindi ibang tao ang kailangan natin
Ito ay ang mga malalapit sa'tin
Ayos sana kung may isang kaya tayong pangitiin
Hanggang sa ang lahat ng inaalala natin sa isipan ay mawaglit

Pero sana magkaroon tayo ng isang
Tao na pwede nating takbuhan
Taong magbibigay sa atin ng kapayapaan
At magsisilbing ating pahinga

Hindi ko lang ito hahanapin
Kundi hihilingin ko na sana ito ay dumating
Para magawa kong maglakad sa dilim
Nang may kasama sa aking tabi

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now