Pangsiyamnapu't Walong Patak

11 0 0
                                    

AKO ANG MALING TAO

Marami nang nagdaang tao sa buhay
Hindi na mabilang kung ilan ang maling nakilala
Ilang beses na ring hinangad na sana huli na
Dahil hindi na kakayanin ng puso ang masaktan pa.

Nawala ang pangamba nang magtagpo ang ating landas
Dahil nauunawaan mo ang aking kaluluwa,
Kinabisado mo ako at walang palya ang mga paalala
Na mahalaga ako't iyong minamahal.

Ngunit sa pagkakataong hindi na maling tao ang binigay
Ako naman ang maling tao sa ating dalawa
Ako ang pulang bandilang nakakahiyang iwagayway
Hindi dahilan ang karanasan sa aking pulang kulay.

Hindi sapat ang pagmamahal kung ikaw naman ay nasasaktan
Naiintindihan ko dahil minsan rin akong nasa iyong kalagayan
Hindi sapat ang pag-unawa kung walang katapusan ang ating bangayan
Mahirap manatili kung hindi na dama ang kapayapaan.

Kaya pinapalaya kita kahit minamahal ka pa
Hindi ako madaling kasama at puro lamang pagdududa
Hindi sapat na dahilan ang mga nasa aking isipan para manatili ka pa
Ayaw kong ipagdamot ang kalayaang sa'yo ay makakapagpapasaya.

Patawad kung maling tao ang iyong natagpuan
Naghanap ako ng tamang tao ngunit nang mapasaakin ka
Ako naman itong nakasakit at hindi naging tama
Hindi na kita pipigilan sa pag-alpas.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now