Pang-limang Patak

63 15 0
                                    

MAKALIMOT
Dedicated to Jiebanana

Kamusta ka na?
Siguro ay masaya ka na
at payapa ang isipan,
Kasama mo siya eh, iyon naman ang mahalaga diba?
Iyon ang hiling mo noong sa akin ikaw ay lumisan.

Siguro ay hindi mo na ako naiisip sapagkat dalawang buwan na rin ang lumipas
Nung tumalikod ka at umalis sa aking kanlungan
Pero ni minsan ba ay sumagi sa iyong isipan
Kung ako ba ngayon ay nasa mabuting kalagayan?

Hindi mo man maitatanong pero ako ay nalulumbay
Nang husto, nang hindi ko maipaliwanag, nang—basta!
Nalulungkot ako sa iyong ginawang paglisan,
Ang aking pahinga sa akin ay nawala.

Kinabisado ko ang bawat anggulo ng iyong mukha,
Ang guhit ng iyong labi at kisap ng mga mata,
Pati ang halakhak mo na nagmistulang musika sa aking tenga,
Hindi ko makakalimutan ang iyong mga yakap na nagbigay sa akin ng kapayapaan.

Dalawang buwan na akong mag-isa,
Tanging mga alaala na lamang ang aking kasa-kasama
Sapagkat ikaw ay nasa piling na ng iba
At sa akin ay wala ng balak na bumalik pa.

Hiling ko na sana ako ay makalimot na.
Nang ako ay mabuhay nang katulad mo, masaya
Ngumingiti, wala ng luhang papatak sa mga mata
At magagawa ko na ulit ang dating sa akin ay nakakapagpapasaya, noong panahon na hindi pa kita nakilala.

—Writer_Lhey✍️

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now