Pang-Apatnapu't Walong Patak

10 4 7
                                    

"DISTANSYA"
Dedicated to Aishi_kawaii

Nakakapanghinayang ang nangyari sa ating dalawa
Akala ko tayo ay magtatagal
Pinagtagpo tayo ng tadhana kahit magkaiba ang pinagmulan nating dalawa
At milyong kilometro ang layo natin sa isa't-isa

Hindi naging hadlang ang distansya sa ating pagmamahalan
Naniwala sa iyong mga salita at naging tapat
Bawat araw na lumipas sa aking buhay ang siyang pinakamasaya
Walang ibang hiniling kun'di ang balang-araw ay makasama ka

Sa bawat segundo ng aking buhay
Kahit malayo ka ay palaging nasa isipan
Pati ang puso ko'y ginawa mong tahanan
Kaba, saya at mga napakagandang pakiramdam ang hindi ko inasahan

Hiling na sana ang lahat ay walang katapusan
Ngunit mali ako ng inaakala
Nagising isang araw wala ng mensaheng natanggap
Naghintay at palaging nakapalong-baba

Hindi ko rin mapigilan ang pagtulo ng mga luha
Linggo na pero wala ka paring paramdam
Siguro nga ito na ang wakas
Kwento natin ay hindi na madudugtungan

Napakasakit umibig at maiwanan
Ng taong mahal na hindi abot ang kinaroroonan
Ngunit sana sa tulang ito ang iyong puso sana'y mahawakan
Huling mensahe para sa aking minamahal

Hindi ko alam kung ano ang iyong dahilan
Pero ito ang aking munting kahilingan
Hindi mo man natupad ang iyong naiwang salita noong nakaraan na
"Balang-araw magiging isang abogado ako, at ikaw ay aking ipaglalaban."
Panghahawakang kahit ang iyong pangarap na lamang ang matupad

Hanggang sa muling pagtagpuin ni tadhana ang ating landas
Baka sa susunod ay makita na kita ng malapitan
Kuntento na akong malaman na ikaw ay nagtagumpay
Kahit sa panahong iyan wala ka na sa aking nararamdaman

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now