Pang dalawampu't tatlong Patak

21 2 0
                                    

PAKSA
Dedicated to marievasaylaje

Siya na naman ang paksa ng ating usapan.
Siya sa mga kwento, tula at kantang iyong nilikha.
Siya na dati sa iyo ay nagpapasaya
Pero wumasak sa iyo ng hindi mo inaasahan.

Napakaswerte niya kasi minahal siya ng katulad mo.
Sinayang nga lang niya at hindi nakita ang halaga mo.
Napakaswerte niya sa'yo, iyon nga lang hindi niya mapantayan ang pagmamahal mo.
Sa totoo lang, kaya ko iyong lagpasan ngunit hindi pwede dahil malabo.

Magkaibigan tayo,
May pagitan ang ikaw at ako,
Linyang hindi pwedeng lakbayin ko
Sapagkat kapag ginawa ko ay pagtalikod mo ang aasahan ko.

Mananatili ako dito sa aking pwesto,
Nakatingin sa iyo na sa kaniya parin ang tungo.
Nasa likod mo lang ako,
Bakit hindi mo subukang lumingon?

At nang makita mo ang taong tunay na nakakakita ng halaga mo.
Ang taong nag-aabang sa mga katha mo
At umaasa na balang-araw magiging paksa ng susunod
Mong mga obra na ibabahagi mo sa mundo.

—Writer_Lhey

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now