HINDI PAHINGA NG KANLUNGAN
Ika'y magaling lamang sa salita
Dahil ika'y biglang nawawala
Naglalaho nang pagkatagal-tagal
At may kasama na palang ibaHabang ako ay nasa kadiliman,
Nalilito at nahihirapan
Hindi man lang ako sumagi sa iyong isipan
Dahil ako ay problema kung iyong titingnanHindi ako ang iyong pahinga,
Pasanin lang at abala
Nakakasawang kasama,
Parating nauuwi sa alitan tayong dalawaMahirap ako pakisamahan
Kaya pinipili mo ang iyong mga kaibigan
Inaaksaya lamang ang iyong oras na pinapahalagahan
Kung kaya ay pinipili mo akong iwasanBabalik kapag nahimasmasan
Babalik na parang wala lang
Babalik kapag may kailangan
At mawawala ulit kapag nakuha ang kagustuhanIniiwan na naghihintay
Ngunit ako'y hirap kakaisip kung paano bibitaw
Hindi makalaya at patuloy na umaasa
Na maaayos pa ang pagsasama
CZYTASZ
Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)
PoezjaIto ay antolohiya ng mga tula na tungkol sa pagmamahal, pagkasawi, pagpapaubaya, pagpapalaya at paghilom. Ang bawat pagpatak ng luha ay may katumbas na isang tula. Nawa'y magustuhan at maantig ang puso niyo sa mga tulang ito. Magawa sanang mayakap a...