Pang dalawampu't anim na Patak

17 1 0
                                    

Saglit

Napakabilis ng pagbabago mo.
Parang kahapon lang ay palaging bukambibig mo
Ang katagang 'mahal mo ako',
Pero bakit biglang naglaho?

Napakabilis ng panahon,
Parang kanina lang nakita kong may guhit sa labi mo.
Masaya naman tayo,
May mali bang nagawa ang isang katulad ko?

Napakabilis namang bawiin ni tadhana ang pagkakataon.
Parang noong nakaraan ay nakasilong ako sa yakap mo.
Payapa ang isip ko't kontento ako
Sayo at masaya tayo.

Ganoon lang ba kadali?
Saglit lang ba ang ating pag-ibig?
Bawal bang humingi ng palungit?
Gusto ko ng makita ulit ang iyong ngiti.

Hindi na ba mauulit?
Bakit bitin at walang impit?
Minsan mo ba akong inisip?
Ikaw siguro ay mayroon ng bagong iniibig.

—Writer_Lhey✍️

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now