Pang Pitumpu't Siyam Na Patak

7 2 2
                                    

KULUNGAN

Nandito na naman ako sa isang walang katapusang takbo
Palayo sa mga taong walang sinabi kun'di masama akong tao.
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga katagang iyon
Gayong kabutihan lang naman ang ginawa ko sa mga taong ito.

Matatanggap ko pa kung ibang tao ang mga ito
Pero malalapit sa akin at mahalaga sa buhay ko.
Totoo kaya ang sinasabi nila? kasi nalulunod na naman ako sa mga siguro.
Talaga bang masama akong tao? Hindi ko na kilala ang totoong ako.

Sana may kumatok ngayon sa aking pinto
At sabihin sa akin na hindi iyon totoo.
Yayakapin at patatahananin ako
Sobrang bigat na kasi ng nararamdaman ko.

Pero sa huli, hindi mangyayari ang aking gusto
Dahil mag-isa lang ako at parati namang ganito.
Hindi pa rin ako nasasanay at palagi nalang nadudurog
Nakakulong na naman ako. Makakalabas pa ba ako?

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now