Pangwalumpu't Pitong Patak

4 0 0
                                    

NAPUNDING KANDILA

Ako'y hindi na maligaya
Sa mga bagay na dati'y nagbibigay ng galak
Matapos maloko dahil sa tuwa
Sinabihan mong peke at walang katotohanan

Pampalubag ng loob lang ang tinatamasa
Nawala bigla ang apoy sa kandila
Namatay, nandilim at bumigat ang pakiramdam
Matapos kong buohin at paghirapan ang mga obra

Bumabalik muli sa kagubatan ng pagdududa
Nandito na naman sa isang sulok at nasasaktan,
Umiiyak dahil sa simpleng salita
Na gumuguho sa aking sistema

Wala sa huwisyo at nakatulala
Patuloy na tinatanong kung totoo ba?
Bakit? Paano? Ano ang dahilan?
Mga tanong na walang kasagutan

Hindi malaman ang katotohanan
Hindi maitanong ng harap-harapan
Walang lakas upang harapin ang pinagdaraanan
Natatakot sa maaaring kalabasan

Na baka nasa isip lang pala
At walang katuturan
Na masyado ko lang dinadamdam
At ang nararamdaman ay imbento lamang

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon