Pang-Pitong Patak

50 13 2
                                    

"AKING PLUMA"
Dedicated to villainflower

Malungkot ako at nagluluksa,
Ang aking mga luha ay naguunahan.
Ang aking puso ay nasasaktan.
Parang pinipiga ng limang pares ng kamay!

Bakit hindi ako nakakagawa ng tama?
Subukan ko mang pagbutihin—
Ako ay nagkakamali pa rin.
Wala na akong magawang tama.

Kilala mo ba ang hari ng sablay?
Ako ang kaniyang reyna!
'Yan ang bansag sakin ni ama.
Ako'y walang kwenta sa paningin nila.

Pilitin ko mang gawin ang aking kaligayahan,
Palagi namang hinaharangan,
Ako'y labis na nasasaktan!
Itong plumang hawak ang saksi sa aking kalungkotan.

✍️Writer_Lhey

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now