Pang tatlongpu't walong Patak

11 2 0
                                    

HULING BITAW
DEDICATED TO Saddygirlll

Ilang beses ko nang sinubukang bumitaw.
Ilang beses ko na ring narinig ang katagang bitaw na't tama na.
Pero patuloy parin akong kumakapit sa mga alaala
Na ating pinagsamahan at umaasang maaari pang madugtungan.

Kinumbinse ko na rin ang sarili ko na tama na ang kahibangang ito.
Ituon ang atensyon sa mga mahahalagang bagay maliban sayo,
Ngunit para akong isang asong habol ng habol,
At asong patuloy na naghihintay sa aking amo.

Nagawa ko namang bumitaw pero ako ay naging suwail.
Paulit-ulit akong gumatakbo sa'yo pabalik.
Inaabot ang kamay na nakaturo sa akin
At binibitawan mo rin ng paulit-ulit sa huli.

Sobra na ang sakit na aking natamo't
Ako ay makikinig na sa mga bulong sa akin.
Magbibingi-bingihan na ako sa aking puso't susundin ang isip.
Ito na ang huli kong pagbitiw.

Huli na't hindi ka na makakaulit,
Hindi ka na muling makakakapit.
Ni palad ko'y hindi mo na maaabot ulit,
Ako ay hindi na babalik sa'yong muli.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now