Pang tatlongpu't siyam na Patak

9 1 0
                                    

DAPITHAPON
Dedicated Riiihiiina

Sa dapithapon nagsimula ang alamat ng ating pagmamahalan,
Sa dapithapon nagtapo ang dalawang pusong naligaw ng landas,
Sa dapithapon tayong dalawa ay nagkakilala,
Sa dapithapon nahulog tayong dalawa sa isa't-isa.

Nakakatawang isipin ang kwento nating dalawa.
Parang sa nobela't ginawang pelikula.
Pumatok sa panlasa ng masa.
Kinilig rin sila ng husto sa ating pagsasama.

Masaya tayong dalawa habang nag-aawitan.
Nagawa rin nating magkwentuhan hanggang sa abutin ng madaling araw.
Napakasayang gunitain ang ating alaala.

Ngunit hindi ko inasahang sa dapit hapon,
Nagtapos ang ating kwento.
Sa dapit hapon naiwan akong mag-isa dahil ikaw ay nawala na sa piling ko,
Sa dapit hapon nawala ang pagmamahalang nabuo.

Napakalungkot ng kwento natin noh?
Parang sa nobela't ginawalang pelikula na nagpaiyak sa akin ng husto.
Winasak rin ang puso ng mga tagapagpanood
Dahil sa dapithapon kung saan magsimula, ang lahat ay nagtapos.

—Writer_Lhey✍️

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon