SUMUBOK AT WALANG SINUSUGAL
Habang nakatitig sa kawalan
Hindi ko maalis sa aking isipan
Kung tama ba ang naging pasya
Ang tuluyan nang bumitawPinutol ang ugnayan
Winakasan na ang kahibangan
Hindi na maatim na makita
Ang imahe sa salamin na nasasaktanBinulabog ang katahimikan
Pinagkait ang kapayapaan
Binigo ang pusong nagmamahal
At kahit ikaw ang nasa kamalianPinagtanggol sa mga kaibigan
Piniling samahan at pagbigyan
Inintindi ang iyong mga dahilan
Pero sa huling pahina ako pa rin ang kalabanAko ang kontrabida sa kwentong iyong sinimulan
Ako ang tauhan na pinahirapan ka lang
Malaki ang iyong panghihinayang
Pero buti wala kang sinugal kahit sa akin ay walang natira.
JE LEEST
Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)
PoëzieIto ay antolohiya ng mga tula na tungkol sa pagmamahal, pagkasawi, pagpapaubaya, pagpapalaya at paghilom. Ang bawat pagpatak ng luha ay may katumbas na isang tula. Nawa'y magustuhan at maantig ang puso niyo sa mga tulang ito. Magawa sanang mayakap a...