Pang Pitumpu't Dalawang Patak

16 3 3
                                    

ANINO

Bakit ko nga ba nararamdaman ang mga ito?
Ako ay nalulungkot, nababahala at palaging desmayado sa iyong mga kilos.
Siguro minahal na talaga kita kahit may pagitan ang ikaw at ako
At ang pagitan nating dalawa ay siya na gusto mo.

Kasalanan ko rin naman kasi hindi ko pinagbigay alam ang nararamdaman ko
Hindi ko rin naman pwedeng sabihin dahil sa takot
Balot na balot ako sa pangambang may magbabago
Pero ako ang nawawala dahil sa pagtatago.

Kung patalasan lamang ng alam tungkol sa'yo
Panalo na ako kahit sino pa ang pambato
Alam ko ang lahat kasi kasa-kasama mo
Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako.

Bakit kaya hindi nalang ako?
Bakit nakita mo siya pero hindi ang anino ko?
Nasa tabi lang ako ah, pero kitang-kita mo siya sa malayo?
Ayos lang ganito siguro talaga kapag anino, hindi ka mapapansin kasi nasa likod.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon