Pang Animnapu't Pitong Patak

8 2 0
                                    

ULIT

Nakakatawang isipin na nawala lang ako saglit
Naging masigla pa kayo sa dati.
Mas marami ring gawi na hindi ako kasali
Para bang hindi ako kabilang sa samahan natin.

Ang galing!
Para akong anino na hindi mapansin
At para ring baliw na kapag dumating tatahimik
Iniiwasan rin na tila ba ay may nakakahawang sakit

Napakasakit isipin na kailangan ko na naman itong danasin
Ang mangapa sa dilim kung saan sa akin walang sasagip
Hahawakan ang kamay ko na parang isang paslit
Na naiwan, natatakot sa dilim at humihikbi

Siguro ganito nga talaga, sa umpisa bumabalik,
Mag-isang maglalakbay at ang kasama lang ay ang sarili
Hindi kailangang may kasama para ngumiti
Hindi kailangang marami ang katabi.

Ngayong gabi iiyak na namang muli
Sapagkat sumisikip na naman ang dibdib
Habang yakap yakap ang kumot at mga unan sa tabi
Naiwan na namang mag-isa ulit.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now