Pang dalawampu't siyam na Patak

15 3 0
                                    

KUNG PWEDE PA
Dedicated to @Jenny

Maari bang bumalik tayo sa dati?
Sa dati kung saan pwede
Pa ang ikaw at ako
Sa panahong meron pang tayo.

Gusto kung ulitin ang dati
Kung saan magkasama tayong nakatingin sa langit
Umaasang may mahuhulog na bituin
At humiling na sana ang oras ay hindi na tumigil.

Gusto kong paulit-ulit na balikan ang dati
Nating pagsasama na walang kasing tamis,
Na akala ko ay hindi ka aalis
Ngunit bakit kasing bilis at tulin ng tren—

Ay nawala ka sa akong tabi?
Sumama ka sa iba nang nakangiti't
Iniwan ang puso kong humahapdi
Sa iyong pag-alis ng walang pasabi.

Maari ba tayong bumalik?
Kailan ka ba babalik?
Lilingon sa akin sabay sabing
Biro lang ang lahat, nandito na ako ulit.

Pero hindi eh!
Hindi na maari dahil
Nasa iba ka na't masayang umaawit
Mas masaya pa noong ako pa ang iyong katabi.

Nakakalungkot balikan ang mga nagdaang pahina
Ng nobela ng pagmamahalan nating dalawa.
Kung inayos ko ba ang dating problema,
Ay hindi magiging ganito ang wakas?

Maari ko bang ulitin sa simula?
Paano kung ulitin natin sa umpisa?
Aayusin ko na ang pagsusulat
Gagawin kong tayong dalawa ang wakas.

Ngunit paano?
Ikaw ay nasa iba nang libro.
Hindi ko na mababago
Dahil nakalimbag na ang ating kwento.

Wakas na hindi nakaplano,
Wakas na hindi inakalang mabubuo,
Wakas na hindi ikaw ang kasama ko,
At wakas na mag-isa nalang ang bida sa kwento.

—Writer_Lhey✍️

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now