Pang Limampu't Walong Patak

12 4 1
                                    

MADAYA

Bakit parang ang daya naman?
Ang alam ko ginawa ko lang ang tama
Sang-ayon rin naman sila
Pero bakit pagkatalikod ko'y ginawa akong katawa-tawa?

Nagmukha akong tanga!
Akala ko kaibigang tunay,
Sila ay nagbabalat-kayo lang pala.
Napakasakit wala pala akong kakampi una palang.

Bakit nasa ganitong situwasyon ako?
Wala naman akong inagrabyado,
Ni sinaktang tao ay walang pumapasok sa isip ko.
Bakit ako ngayon ang talo?

Mali ba ang sinabi, ginawa at pinaglalaban ko?
Para maging ganito kadurog ang puso ko
At ngayon ay sobrang dehado?
Kanino pa ako magkukwento kung alam ko na ang mangyayari sa aking pagtalikod?

Wala bang ligtas na bisig na yayakap sa akin ng mahigpit?
Maamong tinig na nagpapatahan sa walang katapusan kong paghikbi?
Magpapatahimik sa magulo kong isip?
Magsasabi sa aking wala akong ginawang mali?

Ang bigat na kasi masyado sa dibdib!
Gabi-gabi nalang akong umiiyak nang walang tigil.
Hindi ko alam kong dapat ko ba itong danasin
Gayong kabutihang panlahat lang naman ang aking palaging nais.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now