Pang Limampu't Siyam Na Patak

9 4 0
                                    

HAYAAN MO SANA

Guluhin ko lang sana ang gabi mo.
Nandito lang naman ako para sabihin sa'yo
Na hayaan mo sanang mahalin kita kahit sa malayo
Kahit alam kong talo't kailan may hindi maririnig sa'yo ang salitang oo.

Gusto kita! Higit pa nga kung tutuusin.
Pero ako lamang ay magbabakasali
Na sa pagdating ng panahon ay muling
Mabaling sa akin ang pagtingin.

Minsang nawala nang wala akong kaalam-alam.
Ang daya mo kasi hindi pinagbigay alam.
Ngayon ako ay nasasaktan pero patuloy paring umaasa,
Na siguro, baka possible pang mabalik ang pagkagustong nawala.

Hayaan mo lang ako.
Kahit ang pag-asa nalang ang panghawakan ko.
Kahit wala ka nang sabihin, gawin at ipakitang motibo.
Hayaan mo sana hanggang sa manlabo't

Mawala ang nararamdamang
Hanggang ngayon hindi ko mabitawan
Baka kasi magbalik kapag nawalan na ako ng gana.
Kaya sana ako'y pagbigyan mo hanggang sa ang sakit at pagmamahal ko ay tuluyan nang mawala na

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon