PANO
Hindi ko inaakalang wala lang ang lahat ng iyon para sa'yo.
Paano naman akong nahulog na nang husto?
Naghintay ako kahit alam kong malabo,
Siguro uto-uto nga talaga ako.Pero palagi naman akong nasa tabi mo
Palagi ring nasasandalan at handa ang balikat sa mga drama mo
Kasa-kasama rin sa kalokohan at mga trip mo
Sinabihan mo rin ng, "Mahal kita", kahit pabiro.May nararamdaman din ako
Hindi bato ang puso ko
Pero bakit wala lang ang lahat sa'yo?
Kaibigan lang ba talaga ang turing mo?Kuta na ako sa mga ganitong senaryo
Pero dahil umiral ang aking pagka-uto-uto,
Nahulog nga sa'yo kahit alam namang hindi masasalo
Saling-pusa lang pala ako sa pelikulang ito.Matapos sabihin ang salitang "cut!"
"Tapos na!" ng direktor.
Napagtanto kong hanggang dito lang talaga ako
Sa isang tabi at nababakas sa mukha ang mga Paano.
YOU ARE READING
Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)
PoetryIto ay antolohiya ng mga tula na tungkol sa pagmamahal, pagkasawi, pagpapaubaya, pagpapalaya at paghilom. Ang bawat pagpatak ng luha ay may katumbas na isang tula. Nawa'y magustuhan at maantig ang puso niyo sa mga tulang ito. Magawa sanang mayakap a...