Pang talumpo't pito na Patak

8 1 0
                                    

MINAHAL NGA BA?
Dedicated to Saddygirlll

Mahal kita!
Ikaw lang at wala nang iba pa.
Katagang sinabi mo noong nakaraan
Na ngayon ay hirap na akong paniwalaan.

Nasaan ka na nga ba?
Ang mga sinabi mong walang patunay?
Puro salitang hindi ko naman nakita sa gawa,
Siguro nga'y nabulag ako ng aking pagmamahal.

Umasa ako na baka totoo,
Walang biro at hindi ka manloloko.
Ngunit nalaman kong isa lang pala ako sa iyong munting koleksyon.
Nakakatawang isipin na sa iyo ako ay nagpauto.

Paulit-ulit mong sinasabi na mahal kita't iyan ang totoo,
Ngunit matapos ang isang linggo nang ika'y aking sinagot,
Bigla kang nanlabo at lumayo ang loob.

Nasaan ang iyong mga pangako?
Na ako'y mamahalin mo ng totoo't aalang halong panloloko.
Iingatan parang prinsesa't ikaw ang prinsipe ko.
Ngunit ang lahat ay isang illusyon.

Gawa-gawa lamang ng malawak kong imahinasyon.
Kuro-kuro't naniwala ako na iyon ay totoo.
Sa lahat pala ng biktima mo,
Wala ka palang tinutoo.

Pero umaasa parin ako
Na baka huli na ako't ikaw ay tuluyan ng nagbago.
Nais ko lang marinig sa'yo,
Galing mismo sa bibig mo na ako'y minsang minahal mo ng totoo.

—Writer_Lhey✍️

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon