Pang Apatnapu't Apat na Patak

8 1 0
                                    

DUWAG

Panibagong tula na naman ang aking sisimulan
Ikaw pa rin ang paksa ng aking piyesa
Kahit paulit-ulit ay hindi magsasawang
Isulat ang mga salitang hindi kayang ipagsigawan

Ayaw kong umamin kasi takot akong masaktan
Dahil baka itong aking nararamdaman
Ay isang maling akala na naman
Takot rin akong maiwan at mawalan

Kagaya ng pag-amin ng nararamdaman
Sa taong dapat ay kaibigan lamang
Mananatiling lihim at ayaw kong ito ay iyong matuklasan
Takot akong mabigong muli't malaman na ikaw ay may ibang minamahal

Kaya isusulat ko nalang
Saksi ang pluma at papel sa pagtulo ng aking luha
Dahil sa kawalan ko ng lakas ng loob at
Maduwag sa pagtuklas ng katotohanan

Bakit kailangan kong masaktan?
Nais ko lang namang magmahal
Palaging pinangungunahan ng takot at pangamba na baka mawalan
Ng matalik na kaibigan dahil sinubukang aminin ang nararamdaman

Hindi na ako aasa na baka posibleng parehas tayo ng nararamdaman
At sa huli malaman na ang lahat ay ilusyon lamang
Dahil ako ay isang kaibigan lang
Na minamahal ka kahit wala kang kaalam-alam

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon