Chapter 47

2.9K 157 29
                                    

CHAPTER 47

Serenity

Tulala akong bumalik sa parking lot at nang makapasok sa sasakyan ay saka bumuhos ang luhang kanina ko pa hindi mapigilan. Hindi ko maiwasang marinig ang pakikipag-usap ni Thad sa mga magulang ni Lauren dahil sa nakaawang na pinto ng kwarto nito.

Dinig na dinig ko kung papaanong wala siyang pagtanggi sa iniisip ng mga ito na nagkabalikan sila ni Lauren. Or could it be that they were back together? Pero kailan pa?

Kinagat ko ang aking labi at banayad na hinaplos ang tapat ng puso ko. Nagsisikip ang aking dibdib sa isiping baka nga totoo ang mga naiisip ko.

Pero agad ko ring kinontra ang sarili at umiling-iling sa kawalan. I knew Thad. He was not that kind of guy. Noon pa man ay kilala ko na siyang mabuting tao. Kung hindi man siguro siya umamin sa mga ito sa tunay na estado nila ni Lauren, nasisiguro kong may malalim siyang rason. Iyon ang dapat kong ibaon sa isip ko.

But what if... he still loves her? Ano nang mangyayari sa akin?

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at pilit na kinalma ang sarili.

He came to her rescue because she has no one. Iniwan na rin siya ni Christoff. Kung concern man siguro siya sa dating asawa, iyon ay dahil may pinagsamahan pa rin sila noon. Marahil kung hindi nga lang nanggulo si Christoff ay baka nga sila pa rin ang magkasama at ako ay mananatiling mag-isa...

Thad is a good man. If he decided to reunite with her, I'll be happy for him even if that will break my heart into million pieces.

Kaya naman nang bahagyang kumalma ay saka ko minaneho ang sasakyan palayo sa hospital na iyon.

Tulala akong bumalik sa suite at agad na dumiretso sa kwarto. Parang hinang-hina ang katawan ko at wala ako ni katiting na lakas para maglinis man lang ng katawan.

Bahagya na akong napapapikit nang tumunog ang doorbell. Kahit pa may idea ako kung sino iyon ay para bang natatakot akong buksan iyon. Natatakot akong maulit na naman ang nangyari dati.

Ang maiwan na naman akong nag-iisa.

Kahit pa sobrang bigat ng pakiramdam ko ay pinilit ko pa ring bumangon at lakas loob na binuksan ang pinto.

Agad na bumungad ang tila pagod na mukha ni Thad. "I am so sorry, baby... "

Mapait lang akong ngumiti. Kahit yata pagsasalita ay wala akong lakas.

"I didn't realize that I left my phone," paliwanag niya.

"It's okay..." tanging naisagot ko.

"No, baby, it's not okay. I am really sorry."

Mapait akong ngumiti at tumalikod. At kasabay ng pagtalikod kong iyon ay ang pagbuhos ng luha ko. Hindi ko alam kung tama nga bang magpaka-sensitive ako gayong wala pa naman siyang sinasabi. Siguro nga ay nandoon na lang din kasi ang trauma.

Naranasan ko na noon ang labis na masaktan, pero sa pakiramdam ko ay mas doble ang sakit ngayon. Para bang ikamamatay ko na kapag nangyari ang naiisip ko.

"Isinugod ko si Lauren sa hospital kaninang madaling araw. Sumakit ng matindi ang tiyan niya at ako ang naisip niyang tawagan agad."

Narinig ko ang pagsunod niya pati na rin ang pagsasara ng pinto.

"Alam mo nang hindi maganda ang pakiramdam niya noong gabi pa lang na magkasama tayo, tama?" Pinunasan ko ang aking luha bago humarap sa kanya.

Kunot-noo siyang tumitig sa akin at mataman akong tinitigan sa mukha. "Have you been crying?"

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now