Chapter 41

2K 134 15
                                    

CHAPTER 41

Thaddeus Art

May kung ilang linggo rin kaming hindi nagkita ni Eren. Laking pasalamat ko na naintindihan kami ng mama niya at ito ang naging daan para kahit na papaano ay magkausap kaming dalawa gamit ang cell phone nito.

Spending my day without her made me realize a lot of things. I've never felt so empty. Pakiramdam ko, kapag nagtagal pa ay lalo lang akong mababaliw sa kakaisip.

Wala ako sa sariling humarap sa salamin at tiningnan mabuti ang aking suot. Kinakabahan ako sa possibleng mangyari, pero alam kong ito lang ang pagkakataon. I badly needed to convince Eren's father. I don't think I could spend another day without her by my side. Mababaliw yata ako!

Matapos na makagayak ay dali-dali akong sumakay sa aking sasakyan papunta sa isang party na dadaluhan nila Eren. I wasn't even invited to the event, but Eren's mother helped me to gatecrashed.

Wala akong masyadong kilala sa party, pero nagkunwari pa rin akong bisita kahit na kinakabahan. Nang matanaw ko si Eren kasama ang ama nito ay saglit akong nag-ipon ng lakas ng loob. Palapit na lang sana ako nang biglang may humarang sa akin at ganoon na lang ang gulat ko nang mabungaran ang mukha nina Lauren at Christoff.

"Look who's here..." Sarkastikong ngumisi si Christoff at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.

Tumayo ako nang diretso at matalim na tinitigan ito. "Get out of my way," sabi ko sa kalmadong boses. Alam kong hindi makabubuting mag-eskandalo ako sa okasyong hindi naman ako imbitado.

"What are you doing here, Thad? Kilala mo ba si Madam V?" nagtatakang tanong ni Lauren.

Pero sa halip na sumagot ay nilagpasan ko na lang ang mga ito at dumiretso sa kinatatayuan nina Eren at ng mga magulang nito.

Nang dumapo ang tingin sa akin ni Eren ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat.

"Thad?" gulat pang anas nito nang tuluyan akong makalapit.

Matalim na tumitig sa akin ang ama nito na si Don Augusto at nag-aalala namang tumango sa akin ang ina nitong si Doña Lilia.

Ilang saglit din akong nag-alangan dahil sa nagtutumayog na aura ng mga ito. Kumpara sa mga nakasalamuha ko, masasabi kong isa sila sa nagsusumigaw ang yaman sa kasuotan pa lang.

"Magandang gabi po," kinakabahang bati ko sabay yukod sa mga ito.

"What the hell are you doing here? Were you trespassing?" tiim-bagang na sabi ng Don.

"I just want to talk to you, sir. Kung puwede po sana?"

Sarkastiko itong tumawa at umiling-iling. "I didn't know that you actually have the guts to show your face here."

"I'm sorry, sir. But I want you to know that my intentions for Eren is pure. I love your daughter, sir. I love her with all my heart. At wala po akong balak na saktan siya o paghigantihan gaya nang naiisip ninyo."

"Do you honestly think I would believe that crap?!"

"Augusto, please..." pakiusap pa ni Doña Lilia. "Can we talk outside? Nakakahiya kay Madam V. Please?"

Humugot ng malalim na buntonghininga ang Don bago galit na magpatiuna ng lakad at hawak pa rin si Eren sa kamay.

Saglit na huminto ang Don nang madaan sa harapan nina Lauren at Christoff, pero agad ding dumiretso ng lakad matapos na matingnan ito nang masama.

Pumunta kami sa labas ng venue na medyo tago sa karamihan ng mga mata roon. Laking pasalamat ko na kahit na papaano ay nalayo kami sa mga nag-uusyosong mga mata.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now