Chapter 27

2.3K 139 23
                                    

CHAPTER 27

Serenity


Tinulungan ako ni Thad sa pag-aayos ko sa aking suite at bilang ganti ay tinulungan ko rin siya.

Sa mahabang panahon ay naging mailap ako sa mga lalaki, pero pagdating kay Thad, tulad nang dati ay magaan pa rin ang loob ko sa kanya.

"Mag-juice ka muna..." aniya sabay abot sa juice.

"Thank you."

Naupo siya sa sahig kagaya ko at nagpatuloy ulit sa pag-aayos ng mga pambahay na damit.

"Ang dami mo palang mga gamit."

"Oo nga. Hindi ko rin naisip na ang dami ko pa lang mga gamit. Mga binili pa kasi ni Lauren ang iba riyan na hindi ko naman gaanong naisuot."

Kahit pa kaswal ang pagkakasabi niya sa pangalan ng dating asawa ay parang hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba.

I can't be jealous, right? Impossible naman iyon.

"So, marami ka pa lang mga gamit na bigay ng asawa mo?"

"Parang ganoon na nga. What about you? Hindi ka ba nabilhan ng maraming damit ng ex-husband mo?"

"Hindi kahit minsan," matapat kong sagot sabay buntonghininga.

"I see. No worries, ako na lang ang bibili para sa 'yo," seryoso pang sabi niya habang abala pa rin sa pag-aayos.

Hindi ko tuloy malaman ang dapat na maging reaksyon sa sinabi niyang iyon.

"M-may naging girlfriend ka after ni Lauren?" pasimpleng usisa ko.

Saglit siyang nag-angat ng tingin sa akin bago seryosong umiling. "Masyado yata akong abala sa trabaho ng mga panahong iyan. What about you? Any suitor abroad?"

Umiling ako. "Busy rin ako sa pagtatrabaho."

Tumango-tango siya. "Same lang pala tayo."

Ilang saglit akong nanantiya bago lakas-loob na muling magtanong. "Do you plan to get married again?"

Agad siyang natigilan sa ginagawa. Para bang hindi niya inaasahan ang tanong ko.

"Kung makikita ko siguro ang babaeng tanggap ang nakaraan ko at handang mahalin din ako... then, why not?" Mapait pa siyang ngumiti bago muling ipagpatuloy ang pag-aayos. "What about you? Do you want to get married again?"

Kinagat ko ang aking labi at kahit pa nahihiya ay tumango ako. "Gusto ko pa ring mangarap na may lalaking magmamahal sa akin..."

"Hindi impossibleng mangyari ang pangarap mo, Eren. Mabuti kang babae. For sure, makakakita ka rin ng lalaking mamahalin ka ng buong-buo."

Tumango ako at kinagat ang aking labi. Pasimple kong sinulyapan ang kanyang gwapong mukha at pigil na ngumiti.

We've been spending a lot of time together lately. At sa sasandaling panahon na iyon, masasabi kong sobrang gaan talaga ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Kung sa bagay, kahit naman noon ay ganito na ang pakiramdam maliban lang sa bagong pumapasok sa sistema ko na hindi ko gaanong matanto kung ano.

"You think so?"

"Yeah. I think so," seryosong sagot pa niya sabay malamlam na tumitig sa akin.

Ilang saglit din akong nakipagtitigan sa mga mata niyang iyon bago magbaba ng tingin. Pakiwari ko'y nag-aapoy ang aking mga pisngi.

"Baka pagod ka na, ha? Magsabi ka lang."

Tumango lang ako bilang sagot. Ilang araw na kaming nagsosolo sa suite ko at ngayon ay sa suite naman niya. Sobrang saya ko na hindi ko naranasang mag-isa dahil sa kanya.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now