Chapter 15

1.8K 97 8
                                    

CHAPTER 15

Thaddeus Art


Mabilis na nagdaan ang mga araw na parang wala lang. Habang tumatagal ay mas napapansin kong unti-unting nababawasan ang oras ni Lauren para sa aming dalawa. Kung hindi sa dami ng trabaho sa opisina at out-of-town meetings ay palagi rin itong ginagabi sa galaan kasama ang mga barkada nito.

Maluwag ako at hangga't maaari ay hindi nagtatanong. Gusto ko kasing ma-enjoy ni Lauren ang buhay niya kasama ang ibang tao. Pero ibang usapan naman na yata kung pati responsibilidad niya bilang asawa ko ay nakakalimutan na niya.

Wala ako sa sariling tiningnan ang oras pati ang cell phone ko. Ganoon ba siya kaabala para pati birthday ko ay makalimutan niya?

Seriously?

Nang magbukas ang pinto sa main door ay apologetic na mukha ni Lauren ang bumungad.

"I'm sorry, hon. May mga dumating na bagong investor si dad kaya medyo natagalan kami sa dinner," bungad agad niya sabay lapit sa kinauupuan ko.

Tumikhim ako at nilingon ang pinaghirapan kong dinner namin. Dati rati naman ay nag-e-effort pa siyang sorpresahin ako sa tuwing magbe-birthday ako. Pero nang lumaon ay nawala na rin iyon at mas madalas pa ngang ako ang nagpapakahirap magluto para lang mapakain siya nang masarap. Gustong-gusto niya ang mga niluluto ko kung kaya kahit na nakapapagod ay ginagawa ko pa rin, makita ko lang siyang masaya.

But now... I don't understand... What the hell is happening?

"I cooked us dinner..." matabang kong sabi sabay sulyap sa may kusina.

"Oh..." Gulat siyang tumitig sa dining table. Naka-set up na iyon kanina pa. "I am so sorry, hon. Sana sinabi mo agad. Ang dami ko pa namang nakain..." aniya habang naghihimas ng tiyan.

Mapait akong ngumiti sa kawalan bago umiling-iling.

"Kailangan ko na rin bang ipaalala sa 'yo kung ano'ng okasyon ngayon?"

Ilang saglit siyang nablanko sa sinabi ko bago tila gulat na tumitig sa akin. "Oh, shit, hon... I am so sorry... I totally forgot!"

Hindi ko malaman ang dapat na maging reaksyon sa pagkakataong iyon. Mahal ko siya kaya maraming bagay akong pinapalagpas na pagkakamali niya.

"I am so sorry, hon... Happy Birthday!" malambing pang aniya sabay kandong sa akin at pinaghahalikan ang aking mukha.

Agad akong bumigay sa kaunting paglalambing niyang iyon. Ginagap niya ang aking mukha at matamang tinitigan.

"Let me make it up to you, okay?"

Tumango ako. I still don't know what to say. Pero siguro nga, sapat na sa akin ang kaunting karinyo niya. Hangga't kaya ay palagi ko siyang inuunawa at pinagbibigyan.

Mariin niya akong hinalikan habang tinutunton ang sinturon ng aking pants. Saglit kong nakalimutan ang tampo sa simpleng koneksyon naming iyon.

We make love numerous times. Mukhang iyon ang ginawa niyang pambawi sa pagkalimot niya sa birthday ko.

"Sorry talaga, hon... Promise, babawi talaga ako sa 'yo..." malambing pang aniya habang hinahagod ng mga daliri ang aking dibdib.

"Bumawi ka naman kahit na papaano..." pilyong biro ko sabay halik sa sentido niya.

Though, if I would be honest, I was looking for more. Sa mag-asawa, alam kong importante ang sex... pero importante ring parehas kayo ng nararamdaman. I felt that there was something missing, but I just couldn't put my finger on it.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now