Chapter 4

2K 90 4
                                    


CHAPTER 4

Thaddeus Art


Halos gabing-gabi na akong umuwi ng mga sumunod na araw dahil sa kailangang maabot na quota sa mga tahi. Naaabutan ko man ang aking asawa, karaniwan ay tulog na tulog na. Hindi ko naman siya magawang abalahin sa pagtulog lalo pa nga't alam kong pagod din siya sa trabaho.

Sa umaga naman ay karaniwang paalis na siya at 'di na rin namin gaanong nagagawang mag-usap. I missed being with her. Pero nakukuha nang trabaho ang oras naming dalawa.

Kaya naman nang makatapos na kami ng shipment ay naisipan kong sorpresahin ang asawa ko dala ang bouquet of roses.

"Good morning, Joan. Busy si Lauren?"

"S-sir..." Gulat siyang napatayo at tila tarantang sumulyap sa gawi ng opisina ng asawa ko. "Um, alam po ba ni Ma'am Lauren na darating kayo?"

Banayad akong umiling. "Do I need to make an appointment now?" I asked sarcastically.

Parang hindi ko kasi gusto ang dating ng mga salita niyang iyon.

"H-hindi naman po, sir. May bisita po kasi."

"Oh... Matagal pa ba?"

"Halos kadarating lang din po kasi. Gusto n'yo po bang tawagan ko?"

Maagap akong umiling. Ayos na rin naman sa akin ang maghintay dahil hawak ko na ang oras ko.

"It's all right, Joan. I'll just wait."

"S-sige po, sir..."

Saglit akong sumulyap sa opisina ni Lauren bago pumunta sa waiting area. Siguro ay isang potential client ang bisita kung kaya alanganin si Joan na maistorbo ito.

Pero hindi pa man ako nagtatagal sa paghihintay nang dumating ang Papa ni Lauren na si Don Manolo Ty.

"Thad? What are you doing here?"

Mabilis akong tumayo at pormal na bumati rito. "Good morning, P-Papa..." Nag-aalangan akong tumango rito.

Hindi pa rin ako makomportable ng tawag dito dahil kung kailan lang naman ito naglalapit sa akin. Sa mahabang panahon ay ilag ako sa mga ito dahil hindi naman nila ako binabati. I wasn't immediately accepted by them. Ang tingin nila ay hindi ako nababagay kay Lauren.

"What are you doing here?" ulit niya.

"Um, binibisita ko lang po si Lauren. Naging abala rin po ako sa kompanya ng ilang araw kaya gusto ko lang bumawi. Kaso mukhang may bisita rin po siya."

"Oh..." Sumulyap ito sa roses na nakalapag sa sofa. "I see. Kumusta ang business conference?"

"Ayos lang naman po."

"I want you to attend to more business conferencing, so you could benefit from it."

"Papa... about that..." Nag-aalangan akong tumingin dito.

"Do we have a problem?" Kumunot ang kanyang noo at matalim akong tinitigan.

"I just want to focus on my company... since Lauren is doing a great job in here."

"You don't want to manage our company?"

Ilang saglit akong natigilan sa tanong na iyon. Kung tutuusin ay mas dapat kong patulan ang offer na iyon para mapalapit sa pamilya nito. Pero alam ko ring hindi ako kailanman magiging komportable.

"It's not like that, sir. I just want to focus on mine. Ayoko lang din pong dumating ang oras na may pag-awayan pa kami ni Lauren. Masaya na po ako kung ano'ng narating ko sa negosyo. I just hope you understand."

HUSBAND AND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon