Chapter 36

2.3K 137 9
                                    

CHAPTER 36

Serenity

Halos katatapos ko lang magtanghalian nang makatanggap ng tawag galing kay Thad.

{Are you still busy? Can we go somewhere?} malambing pang tanong niya sa kabilang linya.

Hindi ko pa man alam kung saan kami pupunta ay excited na kaagad ako.

"I'm done here. Saan naman tayo pupunta?"

{I missed the beach. Okay lang ba sa 'yo kung three days?}

"Three days?" gulat kong ulit. I didn't expect that.

{Yeah. Medyo malayo kasi. Hindi naman sulit kung isang araw lang. Puwede ka ba or need mo pang magpaalam sa parents mo?}

Naiiling akong tumawa. "I am not a child, Thad. Kailan ba tayo aalis?"

{After lunch sana? Uwi lang tayo saglit sa suite then alis na tayo agad?}

"Hindi ka naman nagmamadali niyan, a?" natatawa kong biro. "May naisip ka na bang lugar?"

{M-medyo malayo actually... but I missed my hometown.}

"Saan ba 'yon?"

{Sa Mindoro...}

"Mindoro?"

{Yeah. May lumang bahay kami roon at gusto ko ring mabisita. Kung okay lang naman sa 'yo... Kung busy ka naman—}

"Call."

{Really?} tila gulat pang aniya sa kabilang linya. {That's great...}

"I'll just make a few calls. Huwag mo na rin akong sunduin. I'll just book a cab, okay?"

{Okay.}

"Maisipan mo rin, e, 'no?"

{I just want to spend some time alone with you. Medyo hectic ang mga susunod na linggo sa akin.}

"I see. Okay. Text na lang kita kapag paalis na ako rito."

{All right, babe. I'll see you later.}

"Later."

{I love you...}

"I love you..."

Nakangiti kong pinutol ang tawag. Ngayon ko lang naranasan na ako ang pumuputol ng tawag bago siya. At hindi rin siya nakalilimot na sabihin ang mga salitang gustong-gusto kong palaging naririnig.

Nang matapos ko ang trabaho ay dali-dali na rin akong umuwi sa suite. Naabutan ko siyang nag-aabang sa tapat ng pinto ko.

"Bakit hindi ka pa pumasok sa loob?" bungad ko.

"It's all right, babe. Halos katatapos ko lang naman mag-pack ng mga gamit ko."

"Mahilig ka ba sa biglaang lakad?" natatawang tanong ko habang binubuksan ang pinto.

Nakangiti siyang tumango. "Yeah. Nagbakasali lang naman akong free ka."

"Okay. Sinabi mo, e."

Dumiretso ako sa bedroom at agad na naghalungkat ng mga damit. Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan at pinanood lang ako.

"What are you doing there? Pumasok ka," natatawang sabi ko.

Nahihiya siyang nagkamot ng ulo at bahagyang ngumiwi. "It's your room and you might get uncomfortable... I'll be okay here."

"Pumasok ka na po. Okay lang sa akin."

Hindi naman na siya nagpapilit at pumasok na rin. Saglit pa siyang nagmasid sa kwarto at kahit pa hindi magsabi ay bakas sa mukha niya ang pag-aalangan.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now