Chapter 45

2.2K 120 12
                                    

CHAPTER 45

Serenity

Sa totoo lang ay hindi ako komportableng makipag-usap ng sarilinan kay Christoff. Pero para na lang din matigil ito ay pinagbigyan ko na lang kahit pa labag din sa loob ko.

Pumuwesto kami sa lugar na hindi gaanong matao, pero nasisiguro kong makahihingi ako ng saklolo kung may gawin man itong hindi maganda.

"What is it that you want from me?" seryoso kong bungad.

Hindi ko alam kung ano pa bang gusto nitong marinig. Sa tingin ko ay nasabi ko naman na lahat.

"You're not thinking straight, Eren. You can't marry that guy. We both know that he is madly in love with Lauren. Gusto mo bang maging panakip-butas na lang?"

My jaw dropped. Mukhang nasisiraan na rin yata ng ulo ang isang ito, a. "Seryoso, Chris? You really think he's still in love with her after everything she's done to him?"

"Oh, come on, Eren. They were very much in love when they got married."

Mariin akong pumikit at humugot ng malalim na buntonghininga. "Seriously? Iyan lang ba ang sasabihin mo sa akin?"

"No, hon. Sinasabi ko lang din ang totoo sa 'yo. Did he even tell you that they met the other day?"

Gulat akong tumitig dito.

"He didn't, right?"

Hindi ko nagawang makasagot dahil sa totoo lang, wala naman talagang nabanggit sa akin si Thad.

Masama ko itong tinitigan. Alam kong gagawin niya ang lahat, masira lang ang pagsasama namin ni Thad. "You're lying..."

"She's getting back to him, Eren. Iniwan na ako ni Lauren dahil alam niyang mahal na kita," seryoso pang aniya na bahagyang nagpagulat sa akin.

Noon ay inaasam-asam kong marinig ang mga salitang iyon. Pero hindi na ngayon at wala na rin akong pakialam.

"I love you, Eren. I never thought that this time will come that I'll feel this way about you."

Umiling-iling ako. "Stop, Chris."

"But Eren—"

"Stop!" sigaw ko na nagpatigil din naman sa kanya. "Kung noon mo pa sana sinabi sa akin 'yan, baka nga, pinagbigyan pa rin kita sa kabila ng mga nagawa mo sa akin. Pero iba na ngayon, Chris. Hindi ko na kailanman papangarapin na balikan pa ang natapos na."

"Eren, please. Give me one last chance. Kaya ko pang itama ito."

Maagap akong umiling-iling. Hindi na ako kasing tanga nang dati. Kung sa dami lang naman din ng chance, sobra-sobra pa ang naibigay ko sa kanya.

"Tahimik na ang buhay ko, Christoff. Sana naman, ibigay mo na ang katahimikang inaasam ko. Nakuha mo naman na ang kalayaan mo, 'di ba? Please, leave me alone!"

Tangka sana akong tatalikod na pero naagapan niya ang aking braso at mahigpit na hinawakan. "Okay. If that is what you want. Hindi na kita guguluhin. Pero gaano ka kasigurado kay Thad? Baka naman may plano na silang magbalikan ni Lauren ay wala ka pa ring kalam-alam?"

Natahimik ako. Alam kong mahal ako ni Thad, pero nandoon ang takot. Nakita ko kung gaano kabuhos ang pagmamahal niya noon sa dating asawa.

"I trust him. Hindi siya kagaya mo, Chris." Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.

Nagkibit-balikat siya at tila desperadong humugot ng malalim na buntonghininga.

"Alam ko, marami akong nagawang pagkakamali sa 'yo. Ngayon nakikita ko lahat ng mga mali ko... I was just concern. Gusto ko na lang ding maging masaya para sa 'yo."

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now