Chapter 14

1.7K 82 4
                                    

CHAPTER 14

Serenity


Sumalubong sa akin si Christoff na parang wala lang sabay kuha sa bitbit kong gamit at nanguna pang pumasok sa bahay.

Nang makarating kami sa sala ay agad siyang naupo at muling itinutok ang atensyon sa cell phone at nagpipindot. Impossibleng hindi niya nakita ang message ko kanina. Mas pinili lang niyang balewalain ako.

"Oh, sorry nga pala at hindi kita nasundo. Ang sama kasi ng pakiramdam ko kanina," katwiran pa niya.

Tumango ako at hindi na nagkomento. Alam ko namang palusot lang niya iyon. Talaga namang wala siyang pakialam sa akin.

"Okay ka na? Ayos na ba ang pakiramdam mo? Was there anything you want to eat? I'll order."

Umiling ako. Wala akong ibang gusto kundi ang magpahinga at matulog. Pero sa nakikita kong sitwasyon ng bahay ay mukhang hindi ko agad magagawa iyon.

Nanghihina akong nagmasid sa buong bahay. Nagkalat ang bote ng mga alak at pinagkainan kung saan-saan. Mukha ring magalas ang sahig at puro alikabok.

"Hindi ka man lang ba naglinis dito?" Hindi ko na rin mapigilan ang magtanong.

Sa dami ng kalat na nakikita ko, pakiwari ko ay pagod na pagod na kaagad ako.

"Hindi ko na maasikaso. Ang dami kong trabaho sa opisina," katwiran pa niya.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at tahimik na pumunta sa kusina. Maging doon ay tambak ang hugasing mga plato. Mukhang ito pa 'yong naiwan ko nang masugod ako sa hospital.

"I might be gone for weeks. Inutusan lang ako ni Daddy."

"Saan ka naman pupunta?" kunot-noo kong tanong.

"Sa resort namin sa Cebu," simpleng sagot niya.

Hindi na ako kumibo. Hindi na rin naman na bago sa akin ang madalas niyang pagkawala.

There must be something wrong with me. Parang bigla ay unti-unti na lang akong nawawalan ng pakiramdam. Dati ay iiyak ako sa tuwing mararamdaman kong wala siyang pakialam sa akin.

"Are you okay?" puna pa niya. "Hindi ka ba mangungulit na isama kita?"

Tumitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung tine-testing lang ba niya ako o papaano.

"Ikaw... Kung ano'ng gusto mo," pagod kong sagot sabay lapit sa isang tambak na hugasin.

"Nah. Dito ka na lang sa bahay. Mahirap na walang tao ang bahay natin sa panahon ngayon."

Just what I thought.

Hindi na ako kumibo. Sa halip ay inabala ko ang sarili ko sa paghuhugas ng plato.

"Mamaya mo na gawin 'yan. Magpahinga ka na lang muna."

"Okay lang. Kaya ko naman."

"Okay. Ikaw ang bahala," aniya sabay talikod.

Sabi ko na nga bang iyon ang sasabihin niya. Umaasa pa ba akong mag-volunteer man lang siya na ang gagawa noon?

I must have gone crazy.

Habang ginagawa ang mga dapat na gawin ay nanatili lang siyang nakahiga sa sofa at papindot-pindot sa cell phone nito. Ni hindi ko makitang masama ang pakiramdam niya gaya nang sinabi niya kanina.

Nang matapos ko lahat ng gawain, pakiramdam ko ay sobrang hilong-hilo ako sa pagod. Kaya naman nagdesisyon akong humiga na muna sa bed at nagpahinga. Mukhang inabuso ko na naman ang sarili ko.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now