Chapter 3

2.2K 95 2
                                    

CHAPTER 3

Serenity


Abala ako sa pagdidilig ng aking mga halaman nang matanawan ko ang paparating na sasakyan. Kung hindi ako nagkakamali ay sasakyan iyon ng aking mabait at gwapong kapitbahay na si Thad.

Nang makababa siya ng sasakyan ay nakangiti siyang lumapit sa akin at bumati.

"Busy ka yata, a," bungad pa niya.

"Oo. Wala na rin akong magawa kaya nagpapaka-plantita na ako."

"I see. Ayos 'yan. Pampalipas oras din 'yan."

Tumango ako at mabilis na sinulyapan ang suot na relo. "Maaga-aga ka yata umuwi?"

"Oo nga. Medyo pagod na rin at gusto ko nang magpahinga. How about your husband? Hindi na kami magtagpo ng oras. Hindi ko tuloy makilala."

Mapakla akong ngumiti at pilit na itinago ang totoong nararamdaman.

"Oo nga, e. Busy rin kasi siya sa trabaho. Mukhang same lang sila ng wife mo, gabi na umuwi. Mga lahing bampira yata ang mga asawa natin."

Mahina siyang natawa sa birong iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay parang lungkot pa ang rumehistro sa kanyang mukha sa pagbanggit ko sa kanyang asawa.

"Mahirap nga yata talaga kapag anak-mayaman. Maraming responsibilidad sa kompanya."

"Ganoon ba 'yon? Hindi ba dapat pa-chill chill na lang gaya ko?"

"Oh... Oo nga, 'no?" Nalilito pa siyang ngumiwi at nagkamot ng ulo. "Kung sa bagay, hawak ko ang oras ko sa kompanya. Nakasanayan ko lang talaga ang pumasok nang maaga at umuwi sa tamang oras."

"See?" Hinawi ko ang aking buhok.

"W-wait, Eren... You have something in here," sabay turo sa sarili nitong pisngi.

"Ay, gano'n ba?" Wala pa sa sarili kong sabi sabay hawak sa mukha ko. At huli ko na lang din na-realize na may suot nga pala akong gloves!

Shit.

Naiiling siyang tumawa at may kung anong dinukot sa bulsa. Pinahaba niya ang mga kamay at pinunasan ang aking mukha gamit ang kanyang panyo. Hindi ko alam, pero may naalala ako sa amoy na iyon. Hindi ko lang masabi kung sino. He smelled really nice. Magkaiba sila ng pabango ng asawa ko, pero masasabi kong gusto ko rin ang pabango niyang iyon.

"O ayan, wala na po."

Nahihiya akong ngumiti. "Thank you. May pagka-clumsy lang talaga ako."

"That's all right. Anyway, I won't bother you anymore, so that you can concentrate with your plants."

"Sige. Thank you ulit, ha."

Tipid siyang ngumiti at tumango bago sumenyas na papasok na. Humugot ako ng malalim na buntonghininga at muling ipinagpatuloy ang pagbubungkal sa halaman.

Matapos asikasuhin ang aking mga halaman ay sa kusina naman ako nagbabad para magluto ng hapunan. Pero agad din akong natigilan nang maisip si Christoff. Pakiwari ko'y nagsasayang lang ako ng pagod sa tuwing mage-effort akong magluto lalo pa nga't madalang pa sa patak ng ulan kung siya ay kumain kasabay ko.

Mapait akong ngumiti sa harap ng naluto kong ulam bago malalim na bumuntonghininga. I wonder kung naaalala pa nga ba niya ang lasa ng luto kong ulam? Malungkot kong tinitigan ang niluto ko. Masasayang na naman ito. Pero agad din akong nabuhayan ng loob nang maalalang may bago nga pala akong kapitbahay! Ibibigay ko na lang sa kanya ang sobrang naluto ko kaysa masayang pa.

Kaya naman nang makatapos magluto ay agad akong nag-doorbell sa kabilang pinto hawak ang isang disposable bowl ng beef caldereta.

Hindi rin naman nagtagal ay bumungad na ang tila gulat na mukha ni Thad. Nakapambahay na siya kung kaya mas mukhang bata na tingnan. Sa tingin ko ay hindi sila nagkakahuli sa tindig ng asawa ko. Matangkad at balingkinitan ang katawan. Ang ganda rin niyang magdala ng damit. Parang modelo. Sobrang neat niyang tingnan at parang ang bango palagi.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now