Chapter 18

1.8K 104 9
                                    

CHAPTER 18

Thaddeus Art


Hindi ko na inungkat ang nangyari nang gabing iyon at tinanggap ko na lang na marahil ay hindi lang talaga namin napansin ni Eren kung saan sila nakapuwesto.

The days passes like the usual. Sobrang abala ko sa trabaho at may pagkakataong halos dalawang araw na wala akong tulog dahil sa bulk shipment. Tanging maikling tawag ang nagagawa ko para kumustahin ang asawa ko.

Nang masiguro kong tapos ang lahat ay agad akong umuwi. Gustong-gusto ko nang matulog.

Alas-cinco ng umaga noon at talaga namang hinihila na ang mga mata ko pababa. I am both physically and mentally exhausted. Mukhang kailangan ko na ring kumuha ng permanenteng katuwang sa pamamahala sa kompanya kapag wala ako. Nakakain ng trabaho ang oras ko na sana ay inilaan ko para sa asawa ko.

Nang iparada ko ang sasakyan ay noon ko na lang napansin na wala ang sasakyan ni Lauren. Saglit akong napaisip, pero dala ng antok ay mas pinili ko na lang pumasok sa loob ng bahay. Possibleng nasa casa lang ang sasakyan.

Sa sobrang pagod, kulang na lang ay hindi ko na magawang makaakyat sa kwarto. Pero pagbukas ko ng pinto ay wala ang asawa ko.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at agad na sinilip ang cell phone ko. Pero wala kahit na ano'ng message roon galing sa kanya. Nang dalawin ako ng kaba ay agad kong hinilamos ang aking mukha.

Where did she go?

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na tinawagan ang numero nito. Pero nakailang ring na iyon ay wala pa rin akong sagot na nakuha.

Bumuga ako ng hangin at pilit na nag-isip. Tama bang magtatawag ako ng ganitong kaaga? Aburido kong hinilamos ulit ang aking mukha at muling sinubukang tawagan ang numero nito. At matapos ang ilan pang ring ay sinagot na niya iyon.

"Where are you?!" inis na bungad ko.

Sa halip na nagpapahinga na ako ay pinag-alala pa niya ako!

{Nandito na ako sa baba, hon. I'm so sorry... Nag sleepover ako rito kina Antoinette... Akala ko kasi hindi ka pa uuwi...}

"You should have told me. Hindi 'yong pinag-alala mo pa ako nang ganito."

{Papasok na ako, hon. Ibaba mo na.}

Pinutol ko ang tawag at hinintay na lang itong makapasok sa kwarto namin. Kahit na papaano ay nakahinga ako nang maluwag.

She's safe. Thank God!

Hindi rin naman nagtagal ay pumasok na si Lauren sa kwarto. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Sorry talaga, hon... Hindi ko talaga alam na uuwi ka. B-buti nga at naisipan ko na lang ding umuwi nang maaga. Sorry talaga," aniya sabay upo sa kandungan ko.

"Bakit hindi ka nagpaalam?" kunot-noo kong tanong. "Ganoon ba kahirap magsabi sa text or tumawag?"

"Sorry na nga. Nawala lang sa loob ko. Na-excite lang ako sa sleepover namin at ang tagal ko nang 'di nagagawa ang bagay na 'yon."

Hindi ko malaman ang dapat na isipin sa rason niyang iyon. Parang nakukulangan ako sa rason, pero hindi ko direktang masabi sa kanya. Pakiramdam ko ay masasaktan ko lang siya kapag nalaman niyang may pagdududa sa isip ko.

"I'm so sorry..." malambing pang aniya sabay yakap ng mahigpit sa akin.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga bago ibalik ang kaparehas na yakap. Nakapikit kong ibinaon ang aking mukha sa kurba ng kanyang leeg, pero agad din akong napadilat nang maamoy ang kakaibang pabango.

HUSBAND AND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon