Chapter 2

2.6K 99 2
                                    

CHAPTER 2

Thaddeus Art


Pupungas-pungas akong dumilat at lumingon sa puwesto ni Lauren sa bed pero wala na siya roon. Bumangon ako at tiningnan ang desk clock sa night stand, it's almost 7:30 AM.

Shit.

Nang makaupo ay ilang saglit muna akong nag-inat bago tuluyang bumangon,

"Lauren, hon!" malakas na tawag ko.

"I'm here, hon!" malakas na sagot niya galing sa dressing room.

Binuksan ko ang pinto ng dressing room at naabutan ko nga siyang nakagayak nang pang opisina.

"Why didn't you wake me up?"

"I'm sorry, hon. Akala ko kasi ay hindi ka pa papasok."

Tumango lang ako at hindi na nagkomento kahit pa sa tanda ko ay sinabi ko sa kanya iyon kagabi.

"Nakapag-breakfast ka na?"

"Hindi na, hon. Sa office na lang. May mga naka-sched akong meeting today."

Tumango ako at mapaklang ngumiti. Bakit nga ba naghahanap pa ako? Hindi na bagong wala siyang time sa akin.

"Pasensya ka na, hon... Bawi na lang ako next time, ha?" malambing pang aniya.

"Yeah, it's okay," mapakla kong sagot. Hindi ko lang din masabi kung ano'ng ekspresyon ang rumehistro sa mukha ko.

"What about dinner? Let's have dinner together, okay?"

"I'd love that. Sunduin na lang kita sa office mo?"

"Yes, hon," nagmamadali pang aniya sabay lapit at halik sa akin. "Ang gwapo mo talaga kahit bagong gising!" gigil pang dagdag niya na nagpatawa sa akin.

"Sige na. Pumasok ka na. Tama na ang bola."

Natatawa siyang tumango-tango. "Come on... Ihatid mo na lang ako sa labas."

"Yeah, of course."

Mabilis niyang inangkla ang kanyang kamay sa aking braso nang palabas kami ng kwarto.

Lauren was a sweet woman. Medyo nabago lang talaga simula nang pamunuan niya ang kompanya nila. Hindi rin ako gusto ng parents niya noong simula, pero ngayon ay medyo ipinapalagay nang mga ito ang loob sa akin. At isa ring himala talaga na Papa pa mismo nito ang nagkaka-interest na turuan ako tungkol sa negosyo. Though, yeah, alam ko naman kung saan ako lalagay.

"Hintayin kita mamaya, ha? Bye, hon," malambing pang aniya sabay halik sa labi ko.

Tumango ako at tipid na ngumiti. "Ingat ka sa pagmamaneho."

"Yoo too, hon!" kumakaway pang aniya bago tuluyang paandarin ang sasakyan palayo.

Saglit kong sinundan ng tingin ang kanyang sasakyan bago tangka sanang papasok na sa loob ng bahay nang mapansin ang pamilyar na mukha.

I think I've seen her somewhere...

Nakangiti siyang kumaway sa asawa niyang nakasakay na rin sa sasakyan at paalis na. Nang magawi ang tingin nito sa akin ay noon ko na lang nakumpirma kung saan ko siya nakita.

Sa airport!

"Oh, you're the guy at the airport?" nakangiting aniya habang naglalakad palapit sa gawi ko.

Tipid akong ngumiti at lumapit din sa gawi nito. Tanging mga halaman ang nagsisilbing dibisyon ng mga bahay namin. Actually, puro ganoon sa buong subdivision. Hindi uso ang gate.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now