Chapter 33

2.3K 135 15
                                    

CHAPTER 33

Serenity

Nang makaalis si Thad ay hindi na mapalis ang ngiti ko sa labi. Aaminin kong nandoon ang hiya dahil sa paninibago, pero walang kasing saya ang puso ko. Ang maranasan ang ganoong klase ng pag-aalaga ay kakaiba talaga ang dating sa akin.

Hindi pa man ako nakakapasok sa office ko ay agad na tumunog ang cell phone ko.

Si Thad!

Thad: Hindi pala kita natanong kung nag-breakfast ka na. Nakalimutan ko rin pala mag-breakfast sa sobrang excited kong makita ka.

Me: Me too. Tinanghali kasi ako ng gising kaya 'di ko na naisip. Bakit nagte-text ka? Hindi ba nagda-drive ka pa?

Thad: Nope. Nakahinto pa naman. Pero eto, paalis na. Tawagan kita kapag nakarating na ako sa opisina.

Me: All right. Ingat ka.

Hindi na siya nakasagot matapos ang maikling palitan ng mga mensahe. Parang ibig kong ma-overwhelm sa atensyong ibinibigay niya sa akin lalo pa ngayong alam kong mahal niya ako.

Mahal ako ni Thad.

Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang pagluwag pa lalo ng ngiti. Parang panaginip lang ang lahat. Sa dami ng mga lalaking nagparamdam noon sa akin, mukhang kay Thad lang din talaga tiwala ang puso ko. Or siguro, dahil parehas din kami nang pinagdaanan?

Hindi pa man ako nagtatagal sa pagtitipa sa harap ng computer nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad ang nakangiting mukha ni Gina hawak ang isang paper bag at bouquet of roses.

"Ma'am, may delivery po kayo ng breakfast and flowers."

Kunot-noo akong tumitig sa kanya.

"Saan galing?"

"May nagdala lang pong gwapong lalaki, ma'am. Thad daw po ang pangalan. As in super gwapo! Ayaw naman pong pumasok at baka raw po makaabala siya," kinikilig pang aniya sabay patong sa table ng paper bag.

"Oh... Thanks, Gina. Sa susunod, papasukin mo na rito kung wala lang din naman akong bisita."

"Boyfriend mo, ma'am? Ang suwerte mo naman!"

Hindi ko na direktang sinagot iyon. Parang ibig mapuno ng puso ko sa sari-saring emosyon. He was really making an effort. Hindi ako makapaniwala!

Hindi nagtagal ay tumunog ang cell phone ko. Nakangising nag-exit si Gina at nag thumbs up pa sa akin.

Nang makita kong makalabas na si Gina ay saka ko iyon sinagot.

"Hey, nag-abala ka pa."

{It's all right. Importante ang breakfast. Kumain ka muna.}

"Sana ay pumasok ka."

{Ayokong makaabala. Kainin mo na 'yan kaagad, ha.}

"Hindi ka naman abala..." nahihiya kong bulong.

{That's nice to hear...}

Hindi ko man nakikita ang mukha niya, nasisiguro kong nakangiti rin siya gaya ko.

"Sige na. Baka mag-drive ka na."

{Enjoy your breakfast.}

"You too. Ingat ka."

{Thank you. I'll see you later.}

Wala ako sa sariling tumango. "Bye. Thanks ulit."

{Bye, Eren.}

Nang ibaba ko ang cell phone ko ay halos mangalay na ang panga ko sa sobrang pagngiti. Hindi ko sukat akalain na ganito ang pakiramdam. Kung panaginip man ang lahat ng ito, ayoko na yatang magising pa.

HUSBAND AND WIFEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora