Chapter 46

2.2K 133 15
                                    

CHAPTER 46

Thaddeus Art

Pagod kong hinawi ang aking buhok at tahimik na tumitig kay Lauren na mahimbing na natutulog sa kama.

Kagabi pa lang ay nawala na ako sa kundisyon dahil sa text na natanggap ko galing sa kanya. Ayaw ko mang maapektuhan ay hindi ko pa rin naiwasan ang mag-alala lalo pa nga at minsan din siyang naging bahagi ng buhay ko.

Madaling araw nang makatanggap ako ng tawag galing sa hospital at isinugod daw doon si Lauren dahil sa sobrang pananakit ng tiyan. Kaya naman sa sobrang taranta ay napasugod ako ng wala sa oras.

Sabi ng doctor ay may bukol ito sa matres at kailangang operahan kaagad. Kaya naman matapos lang ang ilang test ay isinalang na agad ito sa OR.

Hinilamos ko ang aking mukha at mariing napapikit nang maalalang hindi man lang nga pala ako nakakatawag kay Eren. Dinukot ko ang aking bulsa at ganoon na lang din ang panlulumo ko nang matuklasan na wala roon ang cell phone ko. Ni hindi ko maalala kung naibulsa ko nga ba or basta ko na lang naiwan sa suite.

Shit. She must be so damn worried!

Mabilis akong tumayo pero agad ding natigilan nang marinig ang tawag ni Lauren.

"Hey..." Mapait akong ngumiti at lumapit dito.

Medyo maputla pa rin siya at para bang pagod na pagod.

"How are you feeling?"

"Ayos lang ako. Don't worry..."

Well... That's a relief. Sa kabila man ng mga nagawa niya sa akin dati, hindi ko pa rin gugustuhing may mangyaring masama sa kanya. "Buti naman..."

"Thank you so much, Thad. I really appreciate it."

"Where is Christoff?" seryoso kong tanong.

Ilang saglit din siyang natigilan bago sumagot. "Halos dalawang buwan na rin kaming hiwalay..."

"Why? What happened?"

Mapait siyang ngumiti. "He realized that he in love with Eren."

That's bullshit.

Umiling-iling ako at sarkastikong ngumiti. "I think he's too late for that, Lauren."

"And I am still in love with you, Thad," dugtong niya na nagpatahimik sa akin.

I care about her. Iyon ang na-realize ko nang mapasugod ako rito sa hospital sa sobrang pag-aalala. Pero iyon lang iyon. Wala nang iba pang rason. Dati siyang naging bahagi ng buhay ko at mananatiling hanggang nakaraan na lang kung anomang naramdaman ko sa kanya noon.

"Don't stress yourself, Lauren. Kailangan mong magpahinga," iwas na sabi ko na lang. Ayoko na lang ding dagdagan pa ang nararamdaman niya lalo pa nga at kakaopera pa lang niya.

Mapait siyang ngumiti bago tumango-tango. "Yes, sir."

"Can I leave you here? I'll just—"

Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko dahil sa bigla niyang pagdaing ng sakit.

Taranta kong pinindot ang emergency button at nang 'di pa makontento ay lumabas ako ng kwarto para magtawag ng nurse.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating ang doctor at agad na tiningnan si Lauren.

Tahimik akong nagmasid habang may kung ano-ano'ng chi-ne-check.

Namimilipit siya sa sakit kung kaya hindi ko maiwasan ang mataranta.

"Is she okay?" tanong ko sa doctor.

"Sir, please, lumabas muna po kayo. Hindi po makakatulong kung matataranta rin kayo," sabi pa ng nurse na bahagya pang humarang sa akin.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now